Mercilita’s pov HATING-GABI na sila nang natapos magkwentuhan ni Nessie pero hindi pa rin siya makatulog dahil hindi pa rin siya tinatawagan ni Sebastian. Nangako ito sa kanya na tatawagan siya kapag nasa Maynila na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag. Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone pero walang tawag at kahit isang text ay wala siyang natanggap mula sa lalaki. Sinubukan niyang patayin ang cellphone sa pagbabakasaling hindi nakakatanggap ng message pero nang muli niyang buksan ay wala pa ring text at tawag. Nag-aalala na siya lalo pa at kanina niya pa ito tinatawagan pero hindi niya ito ma-contact. Mukhang nakapatay na ang cellphone ni Sebastian. Ayaw niyang mag-isip nang masama pero paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang sinabi ni

