Nessie's pov HINDI niya alam kung paano niya sasabihin kay Mercilita ang tungkol sa kanyang nakita sa club. Magiging komplikado ang lahat kapag nagkataon. Naguguluhan siya. Tahimik na ang buhay ng kanyang kaibigan at ayaw niyang magulo na naman ang buhay nito kapag sinabi niya ang kanyang natuklasan. Nabigla pa siya nang makita niya si Brent na papasok nang kanilang salon. Napangiti ito nang makita siya. Isa pa ang lalaking ito na masasaktan kapag nalaman ni Mercilita na biktima lamang si Sebastian. "Hi," bati sa kanya ni Brent kaya ngumiti siya sa lalaki. Napansin niya ang isang bungkos na bulaklak sa kamay nito. "Nasa office pa si Mercy, baka maya-maya ay nandito na 'yon. Maupo ka muna," wika niya sa lalaki. Abala ang mga empleyado niya sa kanya-kanyang costumer ng mga ito. "Co

