Kai's POV
Tinignan ko lang ang numerong nakasulat sa loob ng notebook ni Jordan. "Ano bang ibig sabihin nito?" Bulong ko sa sarili ko na sobrang nalilito kung ano ang ibig ipahiwatig ng numerong "303"? Bugtong na naman ba ito? Tanging naisip ko lang ay ang masagot ang katanungan ko. Ano ang numerong 303?
Tumunog ang messenger ko at tiningnan kung sino ang nagchat. Si Aries?
"Kita tayo sa library bukas, Kai. May ibibigay ako sayo! Make sure na walang makakasunod sayo ha? Kita tayo 7:00 Am."
Nagtaka agad ako sa mga sinabi niya sa kanyang chat. Ba't naman kami magkikita sa library ng sobrang maaga? Ano ba ibibigay niya sa akin? Kinakabahan man ay chinat ko nalang siya ng "ok" at nag likezone siya bilang reply niya pabalik.
Isinara ko ang notebook ni Jordan at binalik to sa bag ko. Agad naman ako nag set ng alarm sa phone ko. 6:00 Am. Hindi dahil nacucurious ako sa sasabihin ni Aries, Sadyang matagal lang talaga ako nagigising. Kaya nga late ako palagi eh.
In-off ko na ang lampshade ko at humiga na sa aking kama at natulog na.
~~
Kinaumagahan ay nagmamadali akong pumunta ang library. 6:30 Am pa naman pero kailangan kong magmadali. Baka naghihintay na si Aries dun. Ayaw ko kasing magpahintay ng matagal, Di kasi ako katulad niya na nagpapahintay sa wala. Charot lang!
Pagkapasok ko sa library pagkatapos i-check up ang backpack ko sa nagbabantay sa entrance ng library ay agad kong nadatnan si Aries na nakaupo sa isang mesa dun sa sulok na nagbabasa ng libro.
"Uii, Kanina ka lang ba dito?" Hingal na hingal kong sabi sa kanya.
"Kakarating ko lang naman." Bilang tugon niya na binaling niya ang tingin niya sa akin.
"Ano ba ang ibibigay mo sa akin?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka.
"Maupo ka muna, Bago ko sabihin sa iyo. Para ka kasing isang baboy na linilitson eh!" Pabiro niyang sinabi na tumawa pa ng mahina.
"Hmmp!" Sinungitan ko siya ng tingin at umupo nalang sa harap ng table. "So, Ano na yung ibibigay mo sa akin?" Tanong ko muli sa kanya na nakapinta pa rin ang ang kasungitan sa mukha ko. Grabe! Parang baboy? Sapakin ko kaya siya. Di ko nalang inisip yun at tiningnan ko nalang siya na parang di na ako pinapansin nung umupo na ako at bumalik siya sa pagbabasa na para bang seryoso talag siya. Ano ba ibibigay nito sa akin?
"Aries, Ano ba? Ba't di mo ko pinapansin? Kanina pa kita tinatanong ah!" Aksidentong nalakasan ko ang boses ko dahil kanina pa akong di pinapansin ng mokong to at patuloy lang sa pagbabasa ng libro. Ano ba problema niya? Ba't di niya ako pinapansin? Siya pa nagpapunta sa akin dito sa library ng maaga at di niya ako papansinin? Wow ha! Para akong tanga! Naghintay lang ako sa wala!
Tatayo na sana ako para lumabas na ng library dahil nagsasayang lang ako ng oras kung wala naman siyang sasabihin o ibibigay sa akin. Kainis! Pero pinigilan niya ako.
"Teka lang!" Sabi niya na pinipigilan akong tumayo sa upuan ko. "Chill lang, Okay?" Dagdag pa niya sabay tawa ng mahina.
"Nagsasayang ka lang ng oras ko!" Hinang sigaw ko sa kanya na kita ang inis sa mukha ko. "Kung wala kang ibibigay sa akin, Edi mas mabuti pang aalis nalang ako. Sinayang ko ang pag gising ko ng sobrang aga kung wala ka naman palang ibibigay at magbasa lang ng libro!" Talagang uminit na ang ulo ko habang tinitignan ko siya ng masama.
Tinignan ako pabalik ni Aries. Ang tingin niya. Ang mga mata niya. Nakakakilabot... Ang kalmado niyang ekspresyon kanina sa mukha na parang chill lang siya ay pinalitan ng isang napakamisteryosong ekspresyon na nagpatindig ng mga balahibo ko.
"A-Ano ba kasi ang ibibigay mo sa akin?" Paputol kong tanong sa kanya dahil natatakot na ako sa mga nanlalamig niyang mga mata.
Katulad kanina, Hindi niya ako pinansin at tiningnan lang niya ako ng diritsuhan sa mata ng nakakakilabot. Tinignan ko ang puting relo na nasa kanang pulso ko at napansin ko ang oras na late na pala kami para sa first period namin ngayong umaga. "K-Kung gusto mo... Pwede namang mamaya na nating pag-usapan natin to. Late na kasi tayo eh." Pautal na sabi ko sa kanya na pinilit kong tumawa ng mahina.
Ngumisi lang ng nakakakilabot si Aries at bigla niyang hinablot ang kanyang backpack at halatang may kinuha siya.
"Kunin mo to!" Utos niya sakin na may inaabot pero nakakuyom ang kamao niya. Napalunok ako at agad ko namang inabot ang palad ko. Nilagay niya sa palad ko ang nasa ilalim ng ng kamao niya.
"Susi?" Napabulong ako sa pagtataka. "Ano ibig sabihin ng susing 'to?" Dagdag ko pa na napatingin sa palad ko.
"Diba gusto mong magkaroon ng clues kung sino ang mga Class Murderers?" Nabigla ako sa sinabi niya. Pero totoo naman na gusto ko ng marami at sapat na clue na para matuklasan at malaman ko na kung sino ang Class Murderer sa classroom namin. "Gamit ang susing binigay ko sayo, Marami kang matutuklasan na mga bagay na di dapat makita ng mga mata mo, Kai!" Dagdag pa niya at tinignan niya na naman ako sa kanyang mga nanlalamig na titig. Isinara niya ang librong binabasa niya kanina at tumayo na sabay kuha sa kanyang backpack at isinabit to sa balikat niya at pansin kong lalabas na siya ng library dahil nagsimula na siyang pamaglakad papuntang exit.
"Aries!" Tawag ko sa pangalan niya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad at liningon niya ako ng bahagya. "M-May nalalaman ka ba? Kung sino ang gumagawa nito sa atin?"
Nginisian lang niya ako ng kakaiba at lumakas ang t***k ng puso ko sa sagot niya. "Meron!" Tumalikod siya at naglakad na palabas. Para akong napako sa kinatatyuan ko ng dahil sa sagot niya. May alam siya?
Aries' POV
Agad naman akong lumabas ng library na blanko ang ekspresyon sa mukha ko na naiwan si Kai doon na nakatayo. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang ginawa ko? Agad ko nalang ibinigay kay Kai ang isa sa mga sagot na kailangan para malutas lahat ng nangyayari ngayon. Alam ko namang nakataya ang buhay ko dito, Pero wala na akong paki! Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Kaya tapos na, Di na ako uulit pa. Naalala ko pa ang lahat ng nangyari ng araw na yun' na sabi niya sa akin na kailangan niya daw ng tulong para matapos ang sakit na pinagdadaanan niya.
~~
Lumapit siya sa akin na walang ekspresyon ang mukha. Sobrang napakamisteryosong tao siya kung tawagin mo man.
"Kailangan ko sana ang tulong mo. Sana matulungan mo ako?" Sabi pa niya na para bang nangungusap ang kanyang mga mata.
"Kung makakaya ko, Gagawin ko!" Ang naging tanging sagot ko sa kanya na sinabayan ko pa ng matamis kong ngiti.
Bigla nalang siyang tumakbo palapit sa akin at yinakap ako ng sobra na para bang hindi na niya ako papakawalan. "Gusto ko sanang pumatay ka ng tao." Bulong niya sa may dibdiban ko habang nakayakap pa rin siya.
Nabigla nalang ako sa sinabi niya at nagtaka ako kung bakit niya akong gustong pumatay ng tao. "Bakit mo naman akong gustong pumatay ng tao? At sino naman yun?" Tanong ko sa kanya.
Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tiningnan niya ako sa mata. Sa kanyang malamig na mga mata, Na parang matutunaw ka. Inabot niya ang tenga ko at ibinulong ang pangalan kung sino ang gusto niyang mamatay.
"Nagkasala siya, Kailangan niyang mamatay." Mahinang wika niya na ngumiti ng kakaiba na parang panindig balahibong ngiti. "Bigyan mo ako ng hustisya. Tulungan mo ako." Dagdag pa niya na kumikislap ang mga mata niya na blanko pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Kailangang patayin ang lahat ng nagkasala!"
Dahil ako na walang magawa kung di tulungan nalang siya ay pumayag nalang ako sa gusto niya. "Tutulungan kita!" Napangiti ako sa kanya.
Nginitian niya ako ng matamis na ngiti bilang higanti pero di pa rin nagbabago ang mga mata niyang malamig.
"Ibibigay ko to sayo!" May inabot siya sa kin sa loob ng nakakuyom niyang kamao. Na para bang gusto niyang ipaabot ko sa kanya ang palad ko. Sa di mapaliwanag na dahilan ay inabot ko ang aking palad at nang mailagay niya ang bagay na inabot niya ay isa itong susi.
"Ikaw. Siya. Tayo ang makakapasok don'." Naging tugon niya at ngumisi.
~~
Hindi ko namalayan na nasa 5th floor na pala ako kung saan ang classroom namin. Agad naman akong pumasok sa classroom at baka nagsimula na ang klase namin. Parang late na kasi ako eh.
Pagpasok ko ay sobrang tahimik ng lahat ng kaklase ko at para bang may problema sila na abot langit. Binalewala ko lang ito at pumunta sa upuan ko. Wala pa talaga si Kai.
"Anong nangyayari? Ba't ang tahimik?" Tinanong ko si Art na katabi ko na may pagtataka.
"Patay na si Miss Donna." Sabi niya na nagpabigla sa akin.
"Bakit daw?" Dagdag ko pa.
"Naaksidente daw." Sagot niya na may pag-aalala na nakapinta sa mukha niya.
Napakunot noo na lang ako at inisip kung siya ba kaya ang gumawa nito. Pero hindi naman kaya siguro?