Jane's POV "No way! He's the Class Murderer?" Napabulong ako ng makita ko kung paano niya hampasin ng baseball bat si Aries na nagdulot ng pagkawala ng malay nito. Nandito lang ako nagtatago sa isang puno habang pinagmamasdan ang lahat ng mga nangyayari. Alam na din pala ni Jilly ang lahat! Nakita ko na agad niyang binuhat si Aries at sikreto ko naman siyang sinundan ng patago para malaman kung ano ang binabalak niya kay Aries. Papatayin kaya niya si Aries? Napansin kong pumasok siya sa Dorm building ng mga teachers. Pero bakit pumunta siya don? Anong nandun? Hindi sa curious, Pero sadyang naglakad lang ang paa ko ng kaniya kanya at pumasok ako bigla sa teacher's dormitory. Napapansin kong sobrang tahimik pala ng dorm na ito, Walang katao tao di tulad ng dorm naming mga estudyante n

