“Hey! Why did you put your cap on me?” reklamo ko, dahil bigla na lamang niyang isinuot sa ulo ko ang kanyang baseball cap paglabas namin ng cinema. “They were looking at you, all of them!” inis niyang sabi. “Them?” ulit ko sa huling sinabi niya nang sundan ko ng tingin ang kanyang tinititigan. Kanina pa nakakunot ang kanyang noo at masama ang tingin sa bawat nakakasalubong namin. “Those boys are looking at you,” bulong niya. Kunot-noo ko siyang nilingon. “Boys? Are you sure?” tanong ko. Dahil hindi ako naniniwala sa sinabi niya. “I don’t think so.’Yong mga babae ang kanina pa tingin nang tingin sa ‘yo. Maski nga ‘yong cashier sa na binilhan natin ng movie ticket ay halos matulala sa ‘yo,” pagpapatuloy ko nang maaala ko kung paano siya titigan ng mga babae habang nasa pila kami para b

