“Was it for real, Eris? Tama ba ang naiisip ko? Tama ba, Eris?” sunod-sunod na tanong ni Eros. Nagpapalit-palit ang kaniyang tingin mula sa akin at sa kahong kaniyang hawak. Tumango lamang ako at ngumiti bilang sagot sa kaniyang mga tanong. Marahan kong inabot at hinawakan ang kaniyang kamay na hawak pa rin ang kahon na naglalaman ng cookies, at isang kulay puti na Christmas card. Ang card kung saan nakasulat ang tatlong letra at isang salita na gusto kong itugon sa kaniyang damdamin para sa akin. “Eros . . .” panimula ko habang ang aking mga mata ay diretsong nakatuon sa kaniyang mga matang nagtatanong. “Alam mo na gusto rin kita, at malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman mo para sa akin. At mas higit pa sa nararamdaman ko para sa ‘yo ang nararamdaman mo para sa akin. Pero kahit na a

