As soon as he stopped the car, I immediately removed my seatbelt. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Markus. Nagtataka ko siyang nilingon. “Why? May sasabihin ka ba?” tanong ko. “Give me your phone.” Hindi na ako nagtanong at ibinigay ko na lang ang phone ko sa kanya. May tinype siya doon at biglang tumunog ang phone niya. Bumuntonghininga ako. Kukunin niya lang pala ang number ko. “Call me when you're done. Ihahatid kita pauwi,” bilin niya. Napanguso ako. “Huwag na. Mag-ta-taxi na lang ako pauwi. Ano ba'ng address ng mansyon?” He didn't answer for awhile. Kung hindi niya sasabihin ang address, tatawagan ko na lang si lola para magtanong. Hindi ako magpapasundo sa kanya. As much as possible, I don't want to get used of his presence. I don't need a man to depend on. I can to

