Fast Forward... Isang taon nang mamatay at mailibing si ginang Steinfield, ay nagbunga ulit ang pagmamahalan nila Casmiro at Socorro. Walong buwan na ang tiyan ni Socorro sa oras na ito, at kabuwanan na niya sa susunod na buwan. They are now living peacefully in Siargao, pinamamahalaan ni Curtis ang kanilang kompanya, habang sina Cassandra at CJ naman ang tumayong acting CEO's ng pinag-isang Hemingway at Steinfield Indutries. Nasanay na rin si Socorro sa buhay probinsya at naglaon ay naging aktibo ito sa social services nang lugar at nakilala bilang aktibong social worker. Si Casmiro naman ay naging tourism head ng lugar at pinamunuan ang isang organisasyon patungkol sa mga pawikan at iba pang lamang-dagat. Masaya sila sa mga ginagawa sa simpleng paraan. Katunayan nga ay ngayon ang unan

