CURTIS SIDE Nagising sa pagkakahiga si Curtis. Ramdam niya ang bigat ng pakiramdam habang nakakabit sa kaniya ang ilang wire na nasa kaniyang braso. Nilinga niya ang paligid at doo'y napansing nasa kwarto siya na may kulay puti ang paligid. "Ugh," sabi pa niya saka mahinang inunat ang balikat. Nakita niya ang kaniyang mama't papa na halatang nag-aalala. "Ma, pa..." "Oh my god, anak! Gising ka na!" Sabi pa nito saka lumapit sa hinihigaan niya. "Ma, i need to talk to Casmiro, i need to talk to my brother." Mahinang usal niya na nahihinuha dahil sa kirot mula sa benda na nasa kaniyang ulo. Nagulat ang kaniyang ina dahil sa kaniyang pagtawag kay Casmiro ng 'kapatid', batid nilang mayroong nalalaman si Curtis na kaugnay sa mga pangyayari. "Anong...problema anak? May dapat ba kaming mala

