Chapter 12 “C’mon, Mel—” pinanlakihan ko ng mata si Nathan ng mapansin kong muntikan na siyang madulas habang nasa lababo lang si Jonas. “Minsanan lang naman eto at malamang sa malamang ay hindi pa nakakatapak ang asungot na yan sa bar.” Nakita ko kung paano lumingon si Jonas habang naghuhugas ng pinggan at sinamaan lang kami ng tingin. “Palagi kaya ako sa beer house sa maunlad.” Bulong ni Jonas at napa-irap si Nathan. “Beer house? Ano ka? Tatay? Tambay?” Pinatay ni Jonas ang gripo at napalingon sa direksyon namin. Akmang magsusuntukan na ang dalawa ng sumigaw ako para maputol lang ang tension. “Okay! Okay! O siya aalis tayo huwag lang kayong magsuntukan sa bahay ko. Pero pwede kayo sa labas for your information.” “Paano si Winter?” tanong ni Jonas. At tumaas lang ng kamay si Nat

