BLOOD 4: Block 13

2230 Words
PABABA NA sila Shana at Jett ng hagdan sa ground floor nang mapansin ng dalaga na makakasalubong nila ang matandang nagbabala sa kaniya. The old man was in the grip of his wife, attending him in going up but suddenly stopped from tramping. He turned up his head towards Shana who are now in a bit distance from him. Laking gulat naman ni Shana nang makita ang ginawa ng matanda na tila alam nito kung sino ang makakasalubong. She then felt a jolt that trickled her spine. Lalo pa nang magkasalubong ulit ang mga mata nila at gano'n pa rin ang impact nito sa dalaga. The old chap was throwing her a cautionary look as if it wants to bring her to halt. Pakiramdam niya tuloy ay nagsitaasan ang mga balabiho niya. She was thinking deep about the old man on why it always look so unsettling. Naisip niya ang sinabi nito sa kaniya kanina. "'Wag kang pupunta sa Block 13" Hindi pa ba ito nakaka-get over tungkol doon? Mas lalo lang tuloy nanabik ang buong sistema niya. At nang tingnan niya muli ang matanda, ay napatigil siya. He ghastly gazed her and wiggled his head three times. Shana was wordless and even she wanted to say something still she couldn't. There's a lump that formed in her throat stopping her to speak. At nahinto lang 'yon nang makita niyang lumampas na ito sa kanila and mouthed the word DON'T from his parched lips. She heavily breathe right after and wiggle her head to overlook the scene she had. Nagkibit balikat lang siya nang tignan siya ni Jett ng may pagtataka. Isinawalang bahala niya na lang ang nangyari at tuluyang pumunta sa isang restaubar. SA GANO'NG bayan ay hindi naman kalakihan at kagara kagaya ng sa siyudad ang bar na pinuntahan nila. Pero puno ito ng mga tao at may parteng medyo may kadiliman dito---sa bar counter. Tanging ang maliit na chandelier lang ang nagsisilbing mitsa sa bawat table. Naupo sila sa may bakanteng lamesa saka kinuha ang kanilang order. Isang buttered chicken at beer sa kanilang dalawa at nagdagdag na lamang si Jett ng kung anu pa. Hinayaan na lang 'yon ni Shana dahil abala siya sa paglingon-lingon niya sa paligid. "Okay ka lang ba?" Jett questioned. "Ssshh. 'Wag kang maingay" Itinapat ni Shana ang kaniyang daliri sa bibig ni Jett na siyang nagpapula ng pisngi ng binata. Dahil sa hiya ay dahan-dahan itong inalis ni Jett. Kinabahan na naman tuloy siya. "Papanu hindi mag-iingay? Eh maingay naman talaga 'di ba?" Kumunot pa ang noo niya. He was using this to break the uneasiness he had. Tinitigan lang muna siya ng dalaga which made him to avert his eyes and motioned his head down then hold his nape. He was restless against Shana's stare particularly that she's in front of him and just a meter away. "E, nawawala ang concentration ko. I told you we're here for a double purpose. Mabuti pa dito ka na muna and I'll be going to the bar counter, okay?" "Iinom ka?" Napaupo si Jett ng maayos pagkatapos marinig ang sinabi ni Shana. "Ano ka ba hindi ako doon iinom ng walang makukuhang impormasyon kaya diyan ka lang ha?" Hindi na napigilan ni Jett ang kaibigan at nilayasan na siya nito. Napabuntong hininga na lang tuloy siya at napahawak sa sariling buhok. He looks so defeated. Ganitong-ganito siya pagdating kay Shana. Wala na siyang magagawa dahil alam niyang alam naman ng dalaga ang ginagawa nito. "MARGARITA PLEASE" order ni Shana sa bartender habang lilingon-lingon na naman sa paligid. "Bago ka rito ah," Anito ng bartender saka ipinuwesto ang order naMargarita sa tapat ng dalaga at bumalik muli ito sa pagpupunas ng mga baso. Napaayos naman ng pagkakaupo si Shana at saglit na tumingin sa lalaking bartender. The bartender had a regular cut hair, neatly brushed and gelled. He had few growing beards that suited his 30 years old look with its white long sleeves and a black vest. He was also puffing a cigarette that placed in the side of his lips; loitering the smell of the smoke in the room. Napahawak ng ilong si Shana at ipinaypay niya pa ang kamay sa ere dahil naamoy niya ang nakasinding sigarilyo. She rolled her eyes in dismay to think that she have to take it. Hinawakanna lang niya ang inumin at hinalo ito ng marahan saka tumikim ng kunti. "Papano mo naman nasabi?" Baling niya na tanong sa lalaki habang hawak-hawak pa rin ang basong may alak at doon lamang nakatuon ang kaniyang mga mata. "Kabisado ko na ang mga pumupunta dito kaya alam ko. So, anong block ka?" Sagot naman ng bartender na hanggang ngayon ay nasa mga pinupunasang baso pa rin siya nakatingin at abala din sa sariling ginagawa. Napa-arko naman ang kabilang kilay ni Shana sa tanong ng lalaki. "Block? You mean 'yong zone or area?" A query came from her as if she forgot the meaning of it. Ngayon nakatuon na ang mga mata niya sa bartender. "Gano'n na nga" Saglit itong napatingin kay Shana at bumalik muli sa ginagawa. Napababa niya ang kilay niya at uminom ulit ng alak. "Ah, if I remember it right...Block 11" "Malapit ka lang pala sa danger zone" Ibinaba nito ang sigarilyo para itaktak ang abo saka ibinalik muli sa bibig. "What?! Anong danger zone? Malapit sa bulkan? Meron dito?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga kasabay nito ang pagbibilog ng kaniyang mga mata. Natigil naman ang lalaki sa kaniyang pinagtutuunang pansin, tiningnan muna nito si Shana at tumawa. Kumunot ang noo ng dalaga at tila na inis sa inakto ng lalaki. Bakit ba siya nito pinagtatawanan? Anu ba nasabi niya? Tama lang naman na nagtatanong siya dahil hindi niya alam. Leche 'tong payatot na 'to. Tawanan ba naman ako na nasa danger zone na nga kamo kami.Makain mosana 'yang sigarilyo mo. She cursed the man on her head. "Danger zone ang tawag sa Block 13 at kung mahal mo pa ang buhay mo 'wag kang pumunta do'n" She rolled her eyes bago magsalita sa lalaki. "Gano'n na ba nakakatakot 'yon?" Now I'm finally having a real nice information. Kahit papanu may silbi din pala ang kadaldalan ng payatot na 'to. A notion turned up from her. And of all sudden, the words of the old man with a raven eyes emanate from her head. Naalala na naman niya ang matanda, ang itsura nitong punong-puno na ng linya ang mukha, tuyong labi at nakakatakot nitong mga mata at salita. She moved her head swiftly from side to side to wipe out the image and the voice of the elderly that lingers to her mind; and took again a mouthful of alcohol drink. "Oo. Maraming naliligaw do'n at hindi na nakakabalik. Merong mahiwagang kagubatan do'n at ang sabi doon daw naninirahan ang iba't ibang klase ng mga halimaw kaya't wala ng nagtatangkang pumunta roon. Kaya naging restricted na 'yon dahil haunted na din" "Kung gano'n bakit pumunta sila do'n? Ano ang pinunta nila doon?" "Maraming kapakipakinabang na mga halaman sa block na 'yon at may nakapagsabi din kasi na nakatayo doon sa gitna ang tinatawag na Florence Mansion. Siguro out of curiosity na din ng mga tao dito" Napahawak pa ito sa kaniyang baba. "So, what's with the Florence Mansion doing there?" She retorted again. Lulubos-lubusin na talaga niya ito at kung meron pa man siyang makuhang impormasyon. Total madaldal naman ang kausap niyang lalaki. "Naku Miss hanggang doon lang kasi ang alam ko" Kakamot-kamot pa ang lalaki sa kaniyang batok. Hinayaan lang ito ni Shana at tumingin muli sa baso na nakahawak na dito ang magkabilaang kamay niya. "Hm...So this is the Montgomery town huh" She deeply sigh. Sandali pa ay may isang lalaking customer ang naupo sa dulo ng L-shaped bar counter. "Ay sandali lang Miss" Agad itong inasikaso ng bartender ng wala pa namang sinasabi ang lalaki kaya't ipinagtaka ito ni Shana. At sa sobrang kuryusidan niya'y pinagmasdan niya ang lalaking nasa dulo. Itim na itim ang buhok nitong may kahabaan. Nakasuot ng black leather jacket na naka-open at panloob na shirt na naka-three unbutton kaya't masisilip nito ang kunting collar bone. Meron din itong kwentas na mahaba at cross ang pendant nito. Sa kabila nito'y hindi makita ni Shana ang mukha dahil naka-side view ito sa kaniya at bahagyang natatakpan ng buhok. Tanging ang well-sculptured na panga at masculine adams apple lang ang nahagip niya. Ngunit sa hindi niya inaasahan, nagulantang siya at muntik niya pang malunok ang ice cubes ng inumin nang lingunin siya nito saglit. Nabitawan niya sa lamesa ang baso at nangatog ang mga tuhod niya sa 'di maintindihang kadahilanan. Alam niyang siya ang tinitigan nito subalit mas lalong namilog ang mga mata niya nang rumihestro sa utak niya ang mga mata nito. She was able to capture the eyes of the man. "Heterochromia" Tanging nasambit niya. Ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng dalawang mata na magkaiba ang kulay. Ang lalaking iyon ay taglay ang hazelnut brown at kulay asul na mga mata. She was just immediately bring herself back when the bartender guy came close by and approached her. "Miss...okay ka lang ba? Gusto mo pa ba ng isang order?" Tiningnan niya ang baso. Wala na pala itong laman at naubos ito kanina sa pagmamasid niya sa lalaki. "S-sure" Pagsasangayon niya. "Pero matanong ko lang...Who's that guy over there?" Pagsegunda niya muli. "Ah, si Silence. Regular customer namin siya dito. Mahilig 'yan sa drinks na may gatas it's either Martini or a Shooter at hindi din pala imik" The guy responded as he filled the empty glass of another set of margarita and returned it to Shana. "Halata nga. Pangalan pa lang eh mukha ng panis na laway" Matapos ay inubos na niya ang alak ng isahang inom. Napapapikit-pikit pa siya ng mata saka nagbayad. "You...You know what? I like you. Gustong-gusto ko ang kakatihan ng dila mo... kahit bartender ka lang ang daaaami mong alam! At dahil diyan mag ti-tip ako" Tinuro-turo niya pa ang daliri sa lalaki. "Talaga Miss?" Agad na tanong ng bartender. "Oo sabi e. Mukha ba akong walang pang tip? I-isa pa... sa pera naman ito ng boss namin kaya bahala siya" Kinuha niya ang kamay ng lalaki at ipinatong ang perang kinuha saka tumawa. Nag e-epekto na marahil ang alkohol na nainom niya dahil hindi na masyadong tuwid kung magsalita si Shana. Tumayo na siya at halatadong nahihilo na ito. Napapahawak din siya sa counter habang naglalakad ng mahina. "E, Miss gusto mo alalayan na kita? O ipatawag ko ang kasama mo?" Napapakamot na naman ang bartender sa nakikitang sitwasyon ng dalaga. Halatang nabibigatan na ito sa kaniyang sarili. "What? No, no, no. I can do this. I'm just going to the comfort room. I need to pee and besides big girls are already independent just like living by myself. I can do this. I can pee by myself just watch me at baka mapasayaw ka pa diyan ng watch me whip nae, nae" Tumawa na naman siya at nagmatigas pa rin na magdiretso mag-isa. Naiwan namang magkasalubong ang dalawang kilay ng bartender saka nagpailing-iling ng ulo. Doon, naghilamos ang dalaga matapos gawin ang intensyon sa CR at para na rin magising ang diwa niya. Kung bakit ambilis niyang malasing samantalang hindi naman ganoon karami ang nainom niya. She looked herself at the mirror and tap her face three times. "I'm Louisiana Eva Crimson. I can't be a mess, so wake up!" Pagkakausap niya sa sarili. Tumayo siya at inaayos-ayos ang suot niyang parka. Nang makuntento sa ginawa niya'y lumabas na din siya ng CR. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagsasalubong nila ni Silence. Hindi na niya ito tiningnan dahil nahihilo pa siya. At nang magtapik ang balikat niya sa braso nito ay siyang tuluyang nawala ang kalasingan niya sa baritonong boses ng lalaki. "Bene Olet" Napahinto siya sa narinig dahil alam niya ang ibig sabihin noon. At mas lalo siyang natigilan nang paglingon niya'y wala na ito agad. Tila hinangin lang ang ibang bahagi ng kaniyang buhok. Ang bilis naman ng lalaking 'yon. Ihing-ihi na yata. She drowned herself again on her thought. Pero inisip niya ulit ang sinabi nito. Nakapagtataka lang kung anu ang ibig sabihin o tinutukoy ng lalaking iyon sa kaniyang salita. She thought about it once again but far along she already admitted defeat. Why would she bothered about it anyway? It's not unusual for her to hear that kind of words. In fact, she was used to it learning those. Natutunan niya ang lingwaheng iyon sa kaniyang ama. Nagkibit balikat na lang siya and refused to suspect it. Ngayon mas bumalik na ang sabik niya sa impormasyong nalaman. Nang mahimasmasan ay pinuntahan niya si Jett na mukhang kanina pa siya nito hinihintay. "Ang tagal mo---" Hindi pa nga natatapos sa sasabihin si Jett ay hinablot na niya agad ito sa braso dahilan para makatayo ang lalaki. "W-wait, where are we going? You haven't eaten yet" Tumaas naman ang kabilang gilid ng labi ni Shana. "Pupuntahan natin ang Block 13" Wala na namang nagawa si Jett kundi ang magpahila sa nagmamadaling kaibigan. ----- "Bene Olet" (Latin word) means "smells good"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD