"MISS CRIMSON," Anito ng kaniyang boss na ngayo'y nakaupo na sa swivel chair nito at naka-intertwined ang mga daliri sa harap habang ang mga siko ay nakapatong sa kaniyang lamesa.
Lumapit naman si Shana dala-dala ang kape at ngiting aso ang inimprenta sa mukha.
Oh, kill me now.
"S-sir, good morning. Here's your mocha coffee. Your favorite" Pag-aalok niyang tila nanunuhol para mapaamo ang isang leon. Pangiti-ngiti pa siya hanggang nakaupo na ito sa silya na nasa-harapan ng lamesa ng boss niya.
Tinitigan lang siya nito at dumaloy ang mga mata papunta sa kapeng inilagay niya sa lamesa nito. Napapikit na siya dahil alam niyang sisimulan na nitong dakdakan siya sa pagkalate niya o marahil sa iba pang bagay na mapupuna nito.
Pero himala at ang tagal yata.
Iminulat na lang niya ang kaniyang mga mata saka niya nakita si Mr.Buenaventura na napayuko at napasapo sa kaniyang sentido at bumuntong hininga.
"Every day, I would receive non-stop calls, tons of e-mails yet asking for the very sole question! Do you know how irritating is that?" Panimula nito.
"'Di ko magawa ng maayos ang iba kong trabaho dahil diyan! Natotorete na ang ulo ko sa katatanong nila kung nasaan na ba daw ang book 2 ng 'Untold Legend' mo! And where is it anyway? Bakit hanggang ngayon wala ka pang pinapakita sa'kin? I've given you 5 months with that hindi ba? Would you mind explaining this to me?"
"E-eh S-sir...hindi naman po gano'n kadali gumawa at matapos 'yong book 2 no'n," Pagmamakatwiran din niya. Oh, shoot I've nearly forgot about this.
Hindi siya nakapaghanda sa pag-uusap na'to dahil naging abala din siya sa sariling konsepto ng pangalawang libro. Itong si Mr.Buenaventura lang talaga ang pumipilit ng ideya nito hanggang ngayon. At sa tingin niya'y hindi pa rin talaga sila nagkakasundo sa iisang ideya.
Napatayo ang boss niya at umikot ito papuntang sala saka siya hinarap at inayos-ayos pa ang kulay brown nitong suspenderna nakakabit sa pantalon niya.
"Kaya nga writer ka hindi ba? Trabaho mo 'yan at problema mo rin 'yan. And if I remember it right, ilang months mo lang nagawa at natapos 'yong unang libro hindi ba? So, why do you sound like you're not taking this properly?"
"Eh iba naman po kasi 'yong una. It was about ancient times at mas marami po akong alam do'n kumapara dito sa plot at idea na sinasabi mo Sir. Kaya kailangan ko po talaga ng ilang buwan para sa research"
Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit gabi-gabi na lang siya kung magpapuyat dahil nangangapa siya sa mga impormasyong kailangan niya ukol sa suhesyon ng kaniyang boss.
Hindi katulad ng kaniyang unang libro na mas mani niya itong nagawa dahil iyon ay patungkol sa popular na kwento-kwento----ang mga bampira. Sa libro niyang 'Untold Legend' ay naglantad siya ng mga impormasyon at buhay ng mga sinaunang bampira.
Naging patok ito sa mga mambabasa kahit pa na hindi na din bago ang subject na ginamit niya subalit kumpyansa kasi siya na may mga isinulat siyang detalye doon na hindi pangkaraniwan o 'yong dating alam o naririnig ng karamihan.
Kaya naman no'ng matapos niya ang libro ay nagpasiya siyang isang panibagong legend na naman ang isusulat niya pero hindi iyon nagustuhan ni Mr.Buenaventura. Isang sequel ang gustong mangyari nito.
"Kung ayaw niyo po eh pwede naman natin palitan 'yong suggestion mo Sir. Like 'yong mga unang serial killers na merong long history. Mga nakakatakot nilang ginawa, their records----" Naputol ang pagpupumilit niya.
"No! We can't afford to change that. Stick with what I've told you because I'm pretty sure it's all what they wanted to know. Ang modernized na buhay ng bampira. And with that hinding-hindi makukuha ang breaking record na'tin ng kabilang publishing house" Ibinilog pa ang kabilang kamay nito at hinampas sa hangin.
"P-pero Sir---"
"No buts Miss Crimson. Ang nasabi ko ay nasabi ko na at kung kailangan mo ng ilang buwan para sa research na 'yan then fine I'll give you 8 months for that. It should be enough. Maghanap ka ng lugar na may background about the second book"
"Sir---"
"Do it or you're fired"
BAGSAK ang balikat ni Shana matapos maisara ang pintuan ng pinanggalingan niyang opisina. Hindi niya nagawang magustuhan ni Mr.Buenaventura ang sariling ideya bagkus ay binigyan na naman siya nito ng pasanin.
Why life can't be so easy to her? Bakit kailangan eh pagapangin siya nito?
Ni hindi man lang tumalab ang kapeng dinala niya kanina. Nag-iba na kaya ang paborito nito?
"Oh kamusta?" Pagtatanong ni Jett na kanina pa pala siya inaabangang lumabas.
Humarap naman siya sa lalaki at isinubsob ang noo sa balikat nito.
"Hey, what happened? Is there something wrong?"
"Nabibilang na lang ang natitirang masasayang araw ko, Otis," Sabat niyang nanlulumo at iniuntog niya ng tatlong beses ang kaniyang noo sa balikat ni Jett. Habang ang binata naman ay malaking katanungan ang namumuo sa mukha.
Akmang hahawakan na ng lalaki ang dalaga sa mga balikat nito pero hindi iyon natuloy nang mag-angat ng tingin na pawang bagsak at muling naghagis ng salita si Shana.
"Masasamahan mo kaya ako Otis sa nalalabing araw ko?"
"S-sure----wait what?!" Luminya ang noo ni Jett matapos magkamalay sa pinagsasabi ng kaibigan.
"What exactly are you saying? Anu ba nangyari sa loob?" Segunda niya muli.
Tiningnan lang siya ni Shana ng ganoong mukha pa din; may katamlayan. Matapos ay iniwan ang kaibigan sa kinatatayuan nito.
"You should be anyways dahil niligtas ko ang lunchbreak mo, ang lunchbreak natin lahat!" Naisipan din niyang mag bigay ng sagot sa tanong ni Jett pagkatapos ng palakad-lakad niya papunta sa kaniyang cubicle. Mahina lang subalit rinig naman ito ng lalaki dahil alam naman niyang nasa likuran lang naman niya ito.
"Anu nga kasi sinasabi mo? Anu ba sinabi sa'yo no'ng terror-nasaur?" Mapilit pa ring tanong ni Jett habang nakahawak na sa beywang niya at ang kanang kamay niya ay naka-angat sa bagay na nakaharang sa pagitan ng kanilang desk at upuan.
Pinasadahan lang siya ng ilang segundong tingin ni Shana saka itinuon muli ang sarili sa paghuhubad ng kaniyang bag at camera.
At dahil nayayamot na si Jett sa pinapakitang akto ng kaibigan, hindi na niya napigilan pang kuhanin ang magkabilang balikat nito at iginaya sa harapan niya.
"So annoying. Just spill it out will you? We can do this" Seryusong tinitigan niya ang dalaga saka din napabuga ng hangin si Shana.
"Pinahihirapan ako ni terror---I mean ni Sir Buenaventura. He insisted his idea with the second book. He wanted it on his way. Gusto niya i-continue pa rin natin ang same subject, same story about vampires. More informations about them and not just merely vampires---the modernized and more civilized vampires. And that calls for a long research na naman" Mahabang pagpapaliwanag niya. On the second thought, bakit kasi 'yon pa ang naisipan niyang isulat?
Wala siyang mahanap na sagot sa sariling tanong. Ang alam lang niya kasi no'ng nagsulat siya ng libro niya ay basta na lang gumalaw ang sariling kamay no'ng humarap siya sa computer na para bang may sarili din itong buhay.
"Talagang matandang 'yan. Hindi na nagbago at paborito ka pa rin. At ibig sabihin din pala no'n mawawala 'yong inihanda nating original idea? Great. Tch. Ginagawa niya talaga 'yong gusto niya but anyway, anu ba purpose ko kung hindi tutulong sa'yo 'di ba? Kaya natin 'to" Panghihikayat nito sa kaibigan.
"Sabagay" Tipid na ngiting sagot din ni Shana. Hindi naman talaga siya mag-iisa sa trabahong ito.
"Baliw na yata 'yon eh nakikipag-compete na naman kasi sa kabilang publishing house. Hindi na natigil. He even dared me na he's going to fire me kung 'di ko susundin 'yong sinabi niya. Aba! Lumipat kaya ako sa kabila tignan lang natin kung makapag-sungit pa siya" Biglang bawi niya sa una niyang sagot.
Napakalas naman ng hawak ang kaibigang lalaki kay Shana at natawa sa dire-diretsong sabat nito kasabay ang mukhang nakabusangot. Natigil lang din siya nang pinandilatan siya nito at naupo sa swivel chair niya.
"So you were thinking to leave and abandoned me here?" Pang-uusig ni Jett sa dalaga.
"Of course not" Hindi naman maiwasang mapangiti ang lalaki sa narinig na sagot.
"Hindi naman totoo 'yong sinabi ko. Naiinis lang kasi ako sa boss natin at saka why would I leave? Eh okay naman ang pasweldo and dito ako unang natanggap kaya dito din ako tatagal. Mapapasan pa ang paghihirap ko kung aalis lang ako 'di ba? Isa pa kapag umalis ako mawawalan ng magaling na writer si Sir Buenaventura. Eh 'di kargo de konsensya ko pa"
Walang hinto niyang paliwanag habang nagbubukas siya ng computer.
"Same old Shana" Kakaibang titig ang ibinaling niya sa dalaga at kahit pa na side-view lang ang natatanaw nito, malaking guhit ng ngiti pa rin ang nasa mukha niya.
"Teka---" Rumihestro ang isang memorya kay Shana kaya't hinayaan na muna niya ang computer sa pagloloading at ibinaling ang pagtitingala kay Jett; na nakasandal pa rin sa board na pumapagitna sa lamesa nila.
"What?" Takang tanong namanni Jett.
"Kanina sabi mo sa tawag meron kang sasabihin sa'kin. Anu ba 'yon? Is it about this someone again?" Itinaas niya pa ang dalawang daliri sa magkabilaang kamay na nakahugis peace sign at iginalaw na parang nag ko-quote; mismong sadya para sa salitang 'SOMEONE'.
Bakas naman ang pagkabigla at gulat ni Jett sa tanong ng kaibigan. Napa-slide pa nga ang braso niya na nakapatong sa board. Nakalimutan niya pala na nakabitaw siya ng ganoong salita.
Sa katunayan, hindi niya iyon sinasadya. Bigla-bigla na lang 'yon namuthawi sa bibig niya. Gusto na nga niyang bawiin iyon pero papaano pa? Eh nasabi na nga niya.
Ngayon, anu nga ba ang gagawinn niya?
Anu ang sasabihin niya?
Aaminin na kaya niya? O patatagalin na muna niya?
Nanikip yata ang dibdib niya at kumakalabog ng malakas ang kanyang puso sa mga tanong na pilit niyang isinusuksok sa utak niya.
Naistatwa din siya sa kanyang kinatatayuan at nanatiling nakatitig kay Shana.
"O, pinagpapawisan ka?" Kunot noong tanong ngdalaga.
"Hindi naman mainit ah. Lakas nga ng aircon, pawis na pawis ka diyan. Anu nagdedeleryo ka ba? Turan pa nito muli saka bahagyang tumawa ng mahina at kinuha ang panyo niya. Tumayo siya at ipinahid ito sa mukha ng kaibigan.
"Hay, naku Otis minsan nag gaganito ka talaga noh. Naalala ko pala parang ganito ka rin no'ng nagtatanong at nagkukwento do'n sa someone mo. Ah---I get it ha ha ha"
Mas lalong hindi nakagalaw si Jett sa inakto ng dalaga. Dapat eh 'asar na siya sa pinagsasabi nito at pangbubuko subalit hindi niya iyon naramdaman. Nevertheless, it sounded like a melody to his ears and his stomach started to feel the butterflies on it.
Sasabog na yata ang dibdib niya sa kaba. Sobrang lapit ba naman nito sa mukha niya na halos mag slow motion ang tingin niya dito. Hindi niya mapigilan ang pagkamangha sa mga mata ng dalaga.
It was the common color of the eyes; it was brown but purely captivating as if it was taking his soul. She had also a perfect curved thin lips that almost lured him.Ramdam din niya ang pang-iinit ng mga tenga niya.
"O, pati tenga mo namumula. Ganito ka pala pag tinatanong sa someone mo noh. Ngayon ko lang 'to nalaman" Malakas na din ang pagbibitaw ng tawa ni Shana. Aliw na aliw nga talaga siya sa mukha at nakikita niya sa binata.
Samantalang sa isip ni Jett wala na talaga siyang magagawa. Wala na talagang atrasan pa. "THIS IS NOW OR NEVER" Sambit niya pa sa sarili. Itutuloy niya na ito. Handa na siyang magsalita nang bigla namang tumunog ang opening sound ng windows. Napalingon tuloy dito si Shana.
"Ay, teka bukas na pala. Ipahid mo muna 'yang panyo ko tignan ko lang 'to" Pagkatapos ay naupo na siyang talikod kay Jett. Marahil ay sisimulan na niya ang trabahong iniutos sa kaniya ni Mr.Buenaventura.
Napapikit naman sa inis si Jett sa pagkakansela ng balak niya. Mukhang nabawian yata siya ng lakas. Kung kelan nakapag desisyon na siya at sumangayon sa sarili eh ngayon pa sumablay. Badtrip.
"S-sure. Dito na muna ako sa table ko"
Naupo siyang matamlay at napasapo sa kaniyang noo. What were he thinking? Muntik-muntikan na 'yon. But there was a part of him that he wanted to confess it now. Iyon na sana ang pagkakataon ngunit hindi naman natuloy. Muli napasuklay siya sa kaniyang buhok.
"Hey, Otis take a look at this. I've spotted something" Napabalik lang siya sa diwa niya nang tawagin siya ni Shana. Aktibo naman siyang pumunta gamit at habang nakaupo lang sa swivel chair at mabilis na itinulak ang sarili sa pwesto ng kaibigan.
"What is it?" Tanong niya kay Shana habang pasilip-silip sa screen nito.
"We're going for a town trip here... at Montgomery Town" Nakangising sabat niya at tinuturo-turo pa nito ang screen ng computer; Kung saan nakalahad ang impormasyon ng lugar.