THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 39 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW Madilim. Mabaho. Mainit. Ganyan kung ilarawan niya ang kuwartong iyon. Nakakulong siya ngunit nakaposas pa rin ang kaniyang mga kamay na tila ba isa siyang mabangis na hayop na kapag nakawala ay malaking gulo ang mangyayari. Ngunit hindi niya iyon pinansin dahil sa mga oras na iyon ay patuloy na nagdadalamhati ang kaniyang puso dahil sa pagkawala ng kaniyang pamilya. He never thought that his trusted friend would betrayed him. Akala niya’y hindi iyon gagawin ni Owen sa kaniya ngunit tila mali siya ng akala. Na hindi lahat ng kaaway natin ay hindi natin kilala, bagkus kung sino pa iyon malapit sa atin ay iyon ang tatalikod at magtataksil sa atin. Mapagbiro talaga ang tadhana at siya pa ang nasaktuha

