THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 54 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW Nagpalit lang ng damit si Barry at sabay na silang umalis ni Benjamin. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amara dahil nagmamadali sila. Sakay ng kani-kanilang kotse ay mabilis nila itong pinaharurot. Labing limang minuto lang ang itinagal ay kaagad silang nakarating sa isang puting mansion kung saan namamalagi ang kanilang group. Malayo ito sa syudad at nasa gitna ng kagubatan. Tago sa mga tao dahil dito nila ginagawa ang kanilang mga plano at dito rin dinadala ni Barry ang mga taong pinaghihigantian niya, kasama na roon ang mga pulis na kaniyang pinaslang. Nang makarating ay kaagad siyang bumaba kasunod ni Benjamin. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng puting mansion. May malawak itong sala kung saan naroroon ang ha

