THE EX-CON'S COUNTERATTACK – CHAPTER 68 AMARAʼS POINT OF VIEW Matapos ang revelation kahapon. Mas lalo kong nakilala si sir Barry o Bartholomew. Nagkwentuhan kami habang may alak sa harapan namin at nung nalasing siyaʼy tiningnan ko ang kayamanan niyang nakatago sa gitna ng kaniyang mga hita. Char! Walang nangyaring ganoon. Hindi ako malandi. Ano ako, si Laura na natamaan ng baseball at nakatulog? Pero shuta! Kumusta na kaya iyong yayamin kong friend na iyon? Sabi sa mga nabasa ko, may chance na makalimot iyon? Edi makakalimutan na niya ako? Hindi na ba niya ako lilibre? Papalibre pa naman sana ako papuntang Hong Kong. Iyon na nga. Back to reality, matapos naming makapag-usap ni sir Barry. Nakiusap akong tulungan siya sa laban niya. Tutal, matalino naman ako. Except sa Math. No'ng una

