THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 26 AMARA’S POINT OF VIEW Tulad nga nang plano ko, pupuntahan ko ngayon si Papa sa aming shop. Lunes ngayon at alam kong naroroon siya sa shop. At saka, gusto ko rin na kumuha ng mga bulaklak para dito sa mansion ni sir Barry dahil iyong mga dinala namin dito noon ay malapit nang malanta. Paggising ko pa lang ay sa banyo na ako dumeretso. Excited akong pumunta roon dahil miss na miss ko na si Papa. Ako kaya, na-miss din niya? Bahala na, itatanong ko na lang iyon sa kaniya mamaya kapag nagkita kaming dalawa. Pero kahit hindi ko iyon itanong ay alam kong miss na miss na rin ako ni Papa, ramdam ko iyon. Daughter’s instinct yata tawag doon. Nang matapos akong malago na inaabot nang halos tatlumpong minuto. Ganoon ako katagal malig

