THE EX-CON'S COUNTERATTACK - CHAPTER 73 THIRD-PERSONʼS POINT OF VIEW “Simula ngayon, ito na ang magiging tirahan mo," sabi ng isang Madre na siyang katabi niya ngayon habang sila ay nasa sala. It was the day that Owenʼs first stepped on an old orphanage. Tatlong araw matapos mailibing ang kaniyang mga magulang dahil sa nangyaring pamamaril sa mga ito, at hindi iyon lingid sa kan'yang kaalaman dahil naroroon siya noong araw na iyon. Sa murang edad, alam na niya kung ano ang trabaho ng kaniyang mga magulang. Isa silang mga hired assassin, mga mamamatay tao, at sa araw na iyon ay araw nang paglilitis sa kanila. At nang sila ay mailibing, sa bahay ampunan na ito siya dinala ng mga DSWD kung saan ito na ang kaniyang magiging tahanan simula ngayon. He looked around the place, where a lot of

