THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 37 AMARA’S POINT OF VIEW Pinoproseso pa rin ng isipan ko, kung ano ba iyong sinabi ni sir Barry. Gusto raw niyang manatili ako rito? Tapos ano’ng gagawin ko? Kakausapin ko iyong rebulto rito sa loob ng kaniyang opisina hanggang sa tuluyan na akong mabaliw? Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ng lalaking ito, magulo siyang kausap. “P-Pero may pupuntah-“ “Then I’ll come with you instead,” mabilis niyang sabi at mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang mga hita. Inayos ko ang sarili ko at umiwas ng tingin dahil sa naramdaman ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Deputa kasing lalaking ‘to, hindi naman ako mahalay pero iba ang pagkakaintindi ko sa kaniyang sinabi. “P-Pakiulit nga po iyon

