Chapter 3

1237 Words
AMARA ROBLES POINT OF VIEW Maaga kaming pumunta ni Papa sa shop ngayon. Usually ay ala-otso pa kami dumarating pero this time, alas-sais pa lang ay nandito na kami. Ewan ko ba kay Papa kung bakit maaga kami. Basta ginising na lang ako nito nang alas-dos at sinabing maghanda kaming dalawa. "Pa, bakit ka ba nagmamadali? Valentines ba ngayon?" tanong ko habang nakakuno ang noong sinusundan siya ng tingin. Inilalagay nito ang mga bulaklak, especially ang mga tulips sa aming truck na kaisa-isang natirang naipundar ni mama. Hindi niya ako sinasagot kaya hinawakan ko ang balikat ni Papa dahilan para mapatigil siya't tumingin sa akin. Pinakunot at pinagsalubong ko ang aking kilay. "Mamaya na 'yang mga tanong mo, Mara! Marami pa tayong gagawin!" aniya at hinawi ako. Wala akong nagawa kundi ang tulungan siyang buhatin ang mga inilabas nito kaninang mga bulaklak. Pansin ko rin na halos tulips ang nandito ngayon, maliban sa ilang dahon ng mga bulaklak ang naiiba. Natapos kami ni Papa na ilagay at isaayos iyon sa truck. Siya ang driver at sumakay naman ako sa passenger's seat sa tabi niya. Agad na rin kaming umalis papunta sa lugar na hindi ko naman alam kung saan dahil ang magaling kong ama ay hindi sinasagot ang mga tanong ko. "Saan ba tayo pupunta at bakit dala natin halos lahat nh mga bulaklak?" tanong ko na nang hindi ako makatiis. Nilingon ko si Papa at tumingin sa kaniya ng seryoso. "May tumawag sa akin kagabi at sinabi niya na magpapa-deliver siya ng mga bulaklak. Kaya kita sinama rito ay dahil ikaw raw mismo ang mag-a-arrange nito lahat," sagot ni Papa. Deretso lang siyang nagmamaneho. Nagtaka naman akong tumingin sa harapan and at the same time ay natuwa. Minsan lang naman kasing may mga ganitong nagpapa-deliver tapos kami pa ang mag-aayos. Napapatanong ako sa isipan ko kung sino? At saka mukhang malaki ang paggagamitan nitong mga bulaklak dahil halos mapuno na ang truck namin. Kung sino man itong taong ito ay malaki siyang tulong para sa amin ni Papa. Dalawang oras din ang inabot ng aming byahe. Nakatulog pa ako sa byahe at nagising na lang na nasa isa kaming lugar, na walang katao-tao. Pumasok si Papa sa isang puting gate nang kusa itong magbukas at nagtuloy-tuloy lang sa pagmamaneho. "P-Pa..." Tumingin ako rito. "Seryoso ka bang dito ang punta natin? P-Para kasing nakakatakot dito," sabi ko. "Nak, sementeryo ito." Nagulat at nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong tumingin sa labas at tama nga ang sinabi ni Papa. Bakit hindi niya sinabi agad? Takot pa naman ako sa mga multo. "T-Talagang dito tayo pupunta, 'Pa?" tanong ko, palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa labas kung saan ang mga lapida ng mga patay. "Ito ang sabi sa address na ibinigay sa akin. At saka, tumahimik ka nga! Mas nakakatakot ngayon ang buhay, Amara." May katotohanan naman ang sinabi niya ngunit talagang natatakot ako sa mga patay. Dahil ikakamatay ko kapag nagpakita sa akin ang isang multo, kahit na gaano pa iyan kaguwapo kung ang dahilan nang pagkamatay niya ay pinugutan ng ulo. Aatakihin ako sa puso kahit wala naman akong sakit kapag may nagpakita sa harapan ko. Mas dumoble ang kaba ko nang tumigil ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang mukhang bahay. Sa labas pa lang ay kita na rito ang puro puting pintura, may gate pa, at may dalawang bodyguards sa labas. Malayo ito sa mga puntod na nadaanan namin kanina. Kaya nakakapagtakang may bahay pala rito? Lumabas si Papa kaya mabilis din akong lumabas at lumapit sa kaniya. Sabay kaming naglakad papunta sa dalawang guards na nakasuot ng puting uniforms at may hawak na batuta iyong isa tapos baril naman ang isa. "Magandang araw po mga boss!" masiglang bati ni Papa. Hindi ko man lang maramdaman ang takot sa kaniya. Kaya napapanatag na rin ang loob kahit pa na nakakaramdam din akong parang may nagmamasid sa amin. "Ano'ng kailangan nila?" tanong ng isa sa isang matigas at malalim na boses. Nakakapanindig balahibo. Hindi naman ganito ang mga guards sa mga mall, ah? "Auhmmm galing po kami ng syudad at mayroon kaming flower shop kung saan po may tumawag sa amin na magpapa-deliver ng mga bulaklak." May kinuha si Papa sa kaniyang bulsa at isa iyong maliit na papel na iniabot niya sa guwardiya. "Ayan po, ibigay ko raw po 'yan sa inyo." Kumunot ang noo ko nang magkatinginan ang dalawang guards at sabay na tumango sa isa't isa. Teka? May telepathy ba silang ginagamit? Iyong nag-uusap sa kanilang isip? "Okay," sabi lang ng isa at pinagbuksan kami ng gate ni Papa. Nagpalipat-lipat muna ako ng tingin sa kanila at doon ko lang din napansin na pareho sila ng mukha. Ibig sabihin ay magkambal silang dalawa? "Amara, tara na." Napabalik ako ng tingin kay Papa nang tinawag ako nito. Nasa sasakyan na pala siya kaya mabilis akong sumakay ng truck at nagmaneho na ito papasok sa loob. Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang fountain na may serena sa gitna at may hawak na malaking vase kung saan dumadaloy ang tubig. May garden din sa paligid at sa dulo naman ay ang puting bahay na una mong mapapansin kapag napadaan ka rito. Tumigil ang truck sa harapan ng bahay kaya sabay na kaming lumabas ni Papa. Tiningala ko ang bahay at hindi siya pangkaraniwan. Maliit lang ngunit maganda ang interior design at may nakalagay na dalawang ibon sa magkabilang gilid papasok sa pinto. "Kaninong pong bahay 'to, Papa?" tanong ko nang ibalik ko ang tingin sa kaniya. Ibinababa na niya ang mga bulaklak kaya tinulungan ko na siya. "Bahay ito ng patay, Amara." Nabitiwan ko ang hawak kong box na naglalaman lang ng mga dahon-dahon dahil sa gulat. Tumingin ulit ako sa paligid at kay Papa. "S-Seryoso po kayo?" Tumango lang siya at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Napalunok ako. Natatakot dahil sa sinabi ni Papa. Bahay raw ito ng mga patay? "Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan?! Hala! Kumilos ka na nang hindi tayo gabihin dito." Mabilis akong umayos ng tayo at mabilis na sumunod kay Papa pagkakuha ko sa nahulog kong box. Pumasok kami sa loob at tama nga si Papa. Dahil may tatlong libingan dito. Kulay itim ang pintura at nasa likod sa pader kung saan nakalagay ang tatlong litrato ng mga namatay. Muli kong nabitiwan ang hawak-hawak ko. Dahilan para mapatingin naman si Papa sa akin. "Mara!" Tumingin ako rito at sumalubong lang sa akin ang masasama niyang titig. "Ano'ng problema mo?" "P-Pa... H-hindi po ba sila ang mga amo ni Mama noon?" tanong ko, turo-turo ang tatlong litratong nakapaskil sa likuran ng bawat puntod. Tumingin doon si Papa at nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang ekspresiyon. Marahan din siyang tumango at nakangiting tumingin muli sa akin. "Sila nga, 'nak. Sila ang mababait na amo ng Mama mo noon. S-Sayang nga lang at pinaslang sila..." Ibinalik ang paningin sa tatlong litrato. "Pinaslang sila mismo ng kanilang sariling anak. Kasama na roon ang mga katulong at ang Mama mo." Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa labis na galit. Malaya na ngayon ang anak nila at hindi ako makakapayag na tuluyan itong maging malaya. Kung may kakayahan lang akong itapon muli siya sa kulungan ay gagawin ko. "H-Huwag po kayong mag-aalala. Gagawin ko po ang makakaya ko, bilang kabayaran sa mga kabaitan niyo noon. Ibabalik ko ang pumaslang sa inyo sa kulungan dahil doon siya nababagay panghabang buhay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD