THE EX-CON'S COUNTERATTACK – CHAPTER 58 THIRD-PERSONSʼS POINT OF VIEW “Ano po'ng sabi niyong dating amo, Manang Tam?” tanong ng dalagang katabi niyang nakaupo sa upuan. Habang si Inggo naman ay naghihintay sa sasabihin niya, tungkol sa balitang nabasa niya sa diyaryo. "Nagtatrabaho ako sa isang mayamang pamilya sa syudad. Kaya naging ganito ang mukha ko, sunog. Dahil sa nangyaring trahedya na hindi namin inaasahan lahat. Ang bait ng mag-asawang iyon, hindi ko alam kung bakit ginawa sa kanila ang karumal-dumal na bagay na iyon," pagkukuwento niya habang siya'y nakatingin sa karagatan. Hindi niya maiwasang hindi balikan ang mga nakaraan. Malinaw na malinaw pa rin sa kaniyang isipan ang mga araw na siya pa'y nagtatrabaho bilang isang kasambahay. Kung maaari nga lang na ibalik ang panahon,

