THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 35 AMARA’S POINT OF VIEW “YEESS!” napasigaw ako sabay lapag ng aking hawak na mga baraha. Napangisi ako habang kinukuha ang pera sa mesa. “Oha! Gusto niyo pa?” tanong ko sa mga kasamahan ko. “E, ma’am, wala na po kaming pera.” Tumingin ako rito nang magsalita si ate Ica. Isa siya sa mga kasambahay rito sa mansion ni sir Barry at isa rin siya sa kasama kong nagsusugal ngayon dito sa sala ng mansion. Tiningnan ko sila isa-isa nang sabay-sabay silang tumango. Ibinaling ko rin ang tingin sa perang napanaluhan ko. “P-Pero—“ “What are you doing in my house?!” Mabilis pa sa alas-kuwatro kaming napalingon dito. At nagulat ako nang naroroon si sir Barry na malamig at masama ang titig sa amin, hindi, sa akin lang pala. “Ginawa mong

