Tatlong mahinang katok ang pinakawalan ng binata bago siya pumasok sa puting silid na kinaroroonan ni Greta. Matamis itong ngumiti pagkakita sa kanya. "You're finally here!" anito. Tinitigan niya ito, kagaya ng dati ay nakasuot ito ng kulay itim na bandana na nagkukubli ng ulo nito, nakajacket at medyas. "Yeah, may dala akong fresh fruits na kakaharvest lang sa farm, you might wanna try them later." anang binata. "Thank you, you're so kind, Stefano..." Itinuro ng dalaga ang upuan sa tabi nito at tahimik namang naupo ang binata. "How have you been?" Ngumiti ng mapakla ang dalaga. "Not getting better, still bald, ugly, and dying..." "Huwag kang magsalita ng ganyan, mamaya marinig ka ng Kuya. Lumabas lang 'yon saglit para kumuha ng gamot mo sa pharmacy." "OH! Your brother! Masyado siya

