"Harrieth, apo?" anang isang tinig. "Harrieth, gising!" muling tawag ng isang tinig. Idinilat niya ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Nasa hardin siya at nakayupyop sa lamesang yari sa kawayan. Pag angat ng tingin niya ay nakita niya ang kanyang abuelo, nakangiti ito sa kanya. Napaka gwapo nito sa suot na puting tuxedo at ang paborito nitong sumbrero. "Abuelo! You're back!" masiglang wika niya. Lumapit siya rito at mahigpit itong niyakap. "Miss na miss na kita, abuelo!" aniya. Hindi niya mapigilang tumulo ang kanyang mga luha. Tila wala itong sakit at napakalakas pa. Ni wala nga itong tungkod sa kanang kamay. Masigla ang aura nito at halatang masaya. "Namiss rin kita apo, kaytagal mong bumalik dito sa bahay... Kaytagal kitang hinintay," anito habang hinahaplos ang buhok ni

