"Iniisip mo na naman siya?" untag sa kanya ni Darwin, marahil ay napansin nito ang biglaan niyang pananahimik habang nanunuod sa mag sing-irog na magkayakap, nag propose kasi ang lalaki sa babae at halos mabingi siya sa palakpakan ng mga audience nang umuo ang huli. "N-no," tanggi niya. "C'mon Harrieth, we've been friends for a couple of years, and I can definitely tell that your mind is wandering again back there." Natawa siya dahil wala man lang siyang maitago sa binata. Matagal na niyang kaibigan si Darwin at matagal na rin siya nitong sinusuyo ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot dahil naka focus siya sa pagiging single-mom. Tanggap nito ang sitwasyon niya at nakahanda itong pakasalan siya sa oras na pumayag siya sa gusto nito. "I'm sorry," hinging-paumanhin ng dalaga. "No need!

