Malapit nang matapos kumain ang lahat ngunit umalis saglit si Greta dahil biglang tumawag sa kanya ang ama. Ayaw niya sanang umalis sa tabi ni Stefano dahil napapansin niya ang malalagkit nitong sulyap kay Harrieth, ngunit ayaw naman niyang kagalitan ng daddy niya kapag hindi niya sinagot ang tawag nito. "Yes, dad?" bungad niya. "Did you already talked to Stefano, about our plans?" usisa nito. "Not yet, dad. We've been so busy, lately..." "Greta, bakit hindi mo pa rin ginagawa 'yung inuutos ko sa'yo?" may pagkairitang turan nito. "Dad, what you're asking me is not easy, kasi kung madali lang 'yan, bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?" sagot niya. "Aba't! Pasalamat ka at nakakaisip pa ako ng paraan para mailigtas ang family business natin! Dahil kung hindi, mamumulot ka ng basura kapa

