Tapos na ang party ngunit hindi pa rin mahagilap ni Sebastian si Greta, naikot na yata niya ang buong building ngunit ni anino ng dalaga ay hindi niya nakita. Hinihintay niya itong ibulgar ang sikreto ng kapatid at Harrrieth ngunit natapos na lang ang lahat ngunit walang pasabog na naganap. "Nasaan na ba ang babaeng 'yon?!" iritang anas ng binata. Nagpasya na siyang bumalik sa sarili niyang farm dahil wala rin naman siyang napala. Mabilis ang mga paang tinungo niya ang kinapaparadahan ng kotse ngunit nagtaka siya dahil hindi iyon naka-lock. Pagtingin niya sa bintana ay namataan niya kaagad si Greta na tahimik na nakaupo sa passenger seat at nakatulala. Hulas na rin ang make-up nito at magulo ang buhok. "Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala, pati cellphone mo, naka-off!" aniya saba

