ROXY's POV
Panakaw kong sinusulyapan ang lalaking nagmamaneho ng kotseng kinalululanan ko ngayon.
Si Rob Laguarte.
Hay. Grabe. Ang gwapo talaga niya.
Hindi lang siya mayaman, sobrang hot pa.
Ang lalaking hindi lang magbibigay sa akin ng marangyang buhay kundi isa ring lalaking hindi ako mahihiyang ipagsigawan sa buong mundo.
Rob Laguarte is the epitome of a perfect guy.
At ako ang babaeng magiging forever ng perpektong lalaking ito.
Hay, Roxy. Nagbibilang ka na agad ng itlog.
In-ignore ko lang ang sinabing iyon ng aking isipan.
Walang masamang mag-isip ng advanced. Walang masamang mangarap ng gising.
At least ako ay may ginagawa para sa aking ambisyon. Hindi tulad ng ibang tao riyan na abot-abot langit ang pangarap pero wala namang ginagawa para makamit ang mga pangarap nilang iyon. Hinihintay lang na lumapit ang swerte sa kanila.
Pero ako, kumikilos ako para maabot ang aking ambisyon. Kahit makasagasa pa ako ng ibang tao ay wala akong pakialam.
Ganoon naman talaga ang buhay, 'di ba? Para makaabot sa dulo, we need to go through a lot of obstacles.
At iyong mga taong sagabal na iyon ang obstacles in reaching my dreams.
Ilang mayayamang lalaki na ba ang aking t-in-arget para lang makamit ko ang aking ambisyong yumaman?
I still remember that dirty old man father of one of my friends. Let's call him DOM.
DOM: Roxy, ilang buwan na lang ga-graduate ka na? What's your plan?
Nag-pout ako sa harap ng father ng aking kaibigan.
Roxy: Would you get mad if I ask you to buy me a condominium unit, so we can have our own love nest?
Nakita kong nagningning ang mga mata ni DOM.
Wala na. Talagang nabaliw na sa aking alindog ang matandang ito.
Poor old man.
At iyon din ang araw na nahuli kami ng misis ni DOM na naghahalikan sa loob ng kotse nito.
DOM's Wife: Malandi ka! Kaibigan ka pa man din ng aking anak! Maharot!
Buhaghag ang aking buhok dahil sa sabunot na aking natamo mula sa asawa ni DOM at ng aking kaibigan.
DOM's Daughter: You slut! I trusted you! You ruined my family!
Gigil na gigil kong sinampal ang aking kaibigan at dinuro ito na ikinagulat ng mga magulang nito. Natigagal ang aking kaibigan.
Roxy: Wala akong sinisira! Hindi ko kasalanan kung ang Daddy mo ay mas gusto nang bumuo ng bagong pamilya kasama ako! Well, hindi ko naman siya masisisi. Tingnan mo nga iyang ina mo! Pinaglipasan na ng panahon! Nakakaawa!
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nag-walkout ako.
I was surprised na hindi ako ipinaglaban ng Daddy ng aking kaibigan. He even said to his wife and to my ex-friend that I just seduced and blackmailed him.
The nerve of that dirty old man!
Ang kapal ng mukha nitong maghugas-kamay at isisi sa akin ang lahat.
Syempre nanghinayang ako rahil hindi natuloy ang pagbili ni DOM ng condominium unit para sa akin. At masakit sa part na hindi ako ang pinili.
DOM chose his ugly wife over me who is younger, much prettier, and much sexier.
I also still remember that rich fiancé of one of my co-teachers from my previous job.
That guy was super rich at talagang namasa ang aking hiyas nang malaman kung gaano ito kayaman.
Co-teacher's Fiancé: Are you willing to be my mistress, Roxy, once I get married? I have lots and lots of money to provide all your wants and needs.
Namasa ang aking hiyas sa ideyang maibibigay nito ang lahat ng aking mga gustong materyal na bagay. I'm a materialistic person, pero ayokong maging pangalawa lang.
Roxy: Mistress? Bakit? Hindi pa naman kayo kasal, 'di ba? Eh, 'di ako ang iyong pakasalan.
Napahilamos sa mukha nito ang fiancé ng aking co-teacher.
Co-teacher's Fiancé: Kulit mo naman, Roxy, eh. Hindi nga pwede. Papatayin ako ng mga magulang ng aking fiancée kapag hindi natuloy ang kasal. Ikaw na nga ang ino-offer-an ng magandang buhay, ayaw mo pa. Ang arte mo!
Syempre natuloy ang kasal nito with my co-teacher. Hindi ako ang pinili nito kahit alam nitong naibibigay ko ang pangangailangan nito bilang lalaki.
He chose his lousy fiancée over me who is very talented in bed.
Hindi ko rin makakalimutan ang unang lalaking sinubukan kong akitin dahil sa yaman nito. Ang mayamang boyfriend ng aking classmate.
Classmate's Boyfriend: Ibang klase ka talaga sa kama, Roxy. Nakakagigil ka!
Hinampas pa nito ang aking pang-upo bago tinapik-tapik ang aking hiyas gamit ang alaga nito.
Tuwang-tuwa ako when he chose me over his girlfriend. Hiniwalayan nito ang aking classmate sa aking mismong harapan cause I asked him to.
Ang sarap sa feeling to have a rich guy choosing me over someone. I felt powerful that time. I couldn't forget that exhilirating rush that ran through my veins.
Akala ko ay tuluy-tuloy na. Akala ko ay ito na ang aking makakasama forever. But, no. I was just one of his conquests in bed.
I hated that guy and I still hate him.
Three rich men. Lahat sila ay naakit sa aking ganda at alindog. At lahat sila ay iniwan din ako.
Lagi kong itinatanong kung ano ba ang kulang. Lahat naman ng pangangailangan nila bilang lalaki ay aking ibinibigay. Kung ano ang gusto nilang gawin ko ay aking ginagawa. Pero sa huli ay hindi pa rin ako ang kanilang pinili.
But my point is, at least, may ginagawa ako.
Kaya naman nang ipakita sa akin ng aking kaibigang si Fiona ang social media account ni Rob at malaman kong mayaman siya ay agad akong nag-isip ng paraan para makilala siya.
Pero hindi pa man ako kumikilos ay ang mismong tadhana na ang gumawa ng paraan para kami ay magkita at magkakilala ni Rob.
At dahil ang tadhana ang kumilos para sa akin ay mas lalong lumalakas ang aking pakiramdam na si Rob na talaga ang itinadhana para makamit ko ang aking ambisyong maging mayaman.
Mayaman na mayaman.
Hindi na rin masama na si Rob ang aking maging future husband.
Unang-una ay napakayaman niya. Magiging mas madali na ang aking buhay kung siya ang aking magiging kapiling forever.
Pangalawa ay asawa niya si Callie. Ang babaeng paborito kong agawan ng kahit anong mayroon ito.
Kapag akin nang nakuha si Rob mula kay Callie ay paniguradong muli na namang madudurog ang puso nito.
Pangatlo ay sigurado akong nagkakagusto na ako kay Rob. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang parang boltahe ng kuryenteng kumalat sa aking buong sistema nang makipagkamay ako sa kanya.
Sa bawat pagkikita namin ni Rob ay gumagaan ang aking pakiramdam. Parang umaaliwalas ang paligid. At nararamdaman ko ring bumibilis ang t***k ng aking puso.
I'm attracted to Rob and I like him, that's for sure.
But I'm not sure if I'm already in love with Rob.
Love.
Oh, yes. Iyon ang wala sa mga lalaking aking nakarelasyon noon, kung matatawag mang matinong relasyon ang mga iyon.
Hindi nila ako minahal kaya madali para sa kanilang iwanan ako.
Tama.
Hindi matibay ang pundasyon ng aking mga naging relasyon sa bawat isa sa kanila.
Pagnanasa lang ang namagitan sa amin.
Walang pagmamahal.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Rob at nag-isip.
Maaaring tama nga ako sa aking realization. Na pag-ibig ang dahilan kung bakit iniwan ako ng tatlong taong aking nakarelasyon noon. Dahil walang pag-ibig na nagpatibay ng aking mga relasyon sa kanila.
Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay kailangang mapaibig ko si Rob para masigurong hindi niya ako iiwan pagdating ng panahon?
Ang dahilan kung bakit subtle seduction ang ginagawa kong pang-aakit kay Rob ay dahil nakita ko ang kanyang naging reaction nang maghubad ang aking kaibigang si Fiona sa kanyang harapan. Natakot siya kahit pa sabihing nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa.
Hindi ko gustong matakot at lumayo si Rob sa akin kaya ganito ang aking ginagawa. Kinukuha ang kanyang loob para makampante siya sa akin.
Para kung sakaling dumating na ang panahong kailangan ko nang maging agresibo kay Rob ay hindi na siya makatatanggi pa rahil tuluyan na siyang nahulog sa aking subtle seduction.
Pero ngayong nagkaroon na ako ng realization tungkol sa aking previous relationships ay naisip kong hindi lang sapat ang maakit si Rob sa aking alindog. Kailangan ding mapaibig ko si Rob.
Dahil kung aking ganda at katawan lang ang aking maiaalay kay Rob ay magiging madali rin para sa kanya na iwan ako tulad nang ginawa sa akin ng mga rati kong karelasyon.
Pero kung matututunan akong mahalin ni Rob nang higit pa kaysa sa kanyang pagmamahal para sa asawang si Callie at anak na si Mavie ay magiging mas mahirap para sa kanya na iwanan ako, kung sakali mang dumating na sa pagkakataong kailangan niyang mamili sa pagitan ko at ng kanyang pamilya.
At iyon ang aking sisiguraduhin.
Ang mapaibig si Rob Laguarte ng isang Roxana Valeriana.
Sigurado akong darating ang panahon na iyon.
Mahuhulog ang loob ni Rob sa akin.
----------
to be continued...