THIRD PERSON POV
Agad na niyakap ni Rob ang inang si Sunday nang makita niya ito sa labas ng Private Room na kinuha ng kanyang ina para kay Roxy.
Nang matanggap ni Rob ang tawag ng kanyang ina at sinabi nitong naaksidente ang teacher ng kanyang anak na si Mavie dahil sa pagsagip nito sa kanyang ina ay agad na itinanong ni Rob sa kanyang ina kung ano ang pangalan ng gurong iyon. Nanlaki ang mga mata ni Rob nang banggitin ng kanyang ina ang pangalang Roxy.
Mabilis na nagpaalam si Rob sa kanyang mga ka-meeting na branch managers ng kanilang chain restaurant at ipinaubaya sa kanyang stepbrother na si Santi ang pag-facilitate sa meeting. Nang tanungin ni Santi kung ano ang nangyari at nag-aalala siya ay sinabi na lamang niyang nagkaroon ng emergency.
Habang papunta sa hospital na sinabi ng kanyang ina ay hindi tumigil si Rob sa paghingi ng update mula sa inang si Sunday kung kumusta na ang kalagayan ni Roxy. Labis na nag-alala si Rob para sa teacher ng kanyang anak.
Nang makarating sa hospital ay nagmamadaling tinungo ni Rob ang Private Room na binanggit sa kanya ng medical receptionist kung saan naroon si Roxy.
Kaya naman naroon si Rob ngayon sa labas ng Private Room ni Roxy habang kausap ang kanyang ina.
Rob: How's Teacher Roxy, Mama? Kayo ni Mavie, ayos lang ba kayo?
Nakangiting tumango ang ina ni Rob sa kanya bago nagsalita.
Sunday: I'm fine, anak. Ganoon din si Mavie. Nandoon siya sa loob ngayon at nakikipag-usap sa kanyang Teacher Roxy.
Nagsasalita ang ina ni Rob ngunit ang kanyang mga mata ay nag-aalalang nakatingin sa pintuan ng Private Room at para bang gusto na niyang pasukin iyon para kumustahin ang pasyenteng nasa loob niyon.
Sunday: And Teacher Roxy, oh my gosh, that woman is so brave, anak.
Sa sinabing iyon ng ina ay muling bumaling ang mga mata ni Rob dito.
Sunday: Imagine, she was already outside of the school premises at naglalakad na pauwi. Pero dahil nakita niya ang isang kotse na parang wala sa tamang direksyon ang tinatahak ay hindi siya nag-atubiling bumalik para iligtas ako mula sa kapahamakan.
Mababakas ang sobrang pag-aalala sa mukha ni Rob habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang ina.
Sunday: That woman saved my life, Rob. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin hadn't Teacher Roxy risked her life to save your mother, my son.
Makikita sa mga mata ni Sunday Laguarte ang labis na kasiyahan at pasasalamat dahil nakaligtas ito mula sa panganib.
Sunday: Bihira na lang ang mga taong katulad ni Teacher Roxy na itataya ang kanilang buhay just to save other people's lives.
Nakangiting tumango-tango si Sunday.
Sunday: She's a good person and I guess a good teacher as well dahil nabanggit sa akin ni Mavie that Teacher Roxy is one of her favorite teachers, if not the most favorite, at her school.
Napangiti si Rob sa sinabing iyon ng kanyang ina.
Rob: Yeah, I have a feeling she's a good person.
Mahina lamang ang pagkakasabi ni Rob sa mga salitang iyon at pagkatapos ay muling pumasok sa kanyang isipan ang magandang payo mula kay Roxy noong isang araw.
Roxy: Alam mo, mas maganda kung hindi paiiralin ng friend mo ang galit niya. Yes, masakit ang maloko, pero pahupain muna niya ang galit. Then mag-usap silang dalawa ng asawa niya. Pag-usapan kung paano humantong sa pagtataksil 'yong isa.
Para kay Rob ay maganda ang payong iyon ni Roxy na gusto sana niyang sundin kung hindi lamang niya natuklasan na gustong ilihim ng kanyang asawang si Callie mula sa kanya ang ginawa nitong pagtataksil kasama ang lalaking dati nitong karelasyon.
Kumunot ang noo ng ina ni Rob.
Sunday: Were you saying something, hijo?
Parang nagulat pa si Rob nang itanong iyon sa ng kanyang ina.
Mabilis na umiling si Rob at muling niyakap ang kanyang ina.
Rob: I'm really glad that you're safe, Mama. Talagang nag-alala ako kanina.
Nang matapos yakapin ni Rob ang kanyang ina ay napansin ni Sunday na may pag-aalala pa rin sa mukha ni Rob.
Sunday: You're still worried, son. Nag-aalala ka ba para kay Teacher Roxy?
Nagkibit-balikat si Rob sa harapan ng kanyang ina.
Rob: I mean, she saved my mother's life. So I guess I owe it to her to, at least, worry for her condition right now.
Ngumiti si Sunday sa anak nito at tumango-tango.
Sunday: Don't worry, hijo. Teacher Roxy is fine. Walang nakitang bruises sa katawan niya. No bone fractures at wala ring tinamong injury ang teacher ng anak mo.
Nakahinga ng maluwang si Rob nang marinig ang impormasyon na iyon mula sa kanyang ina.
Sunday: Mabuti na lamang at hindi malakas ang impact ng pagkakatama ng kotse sa kanyang balakang. Actually, pwede na siyang umuwi. Kaso ang sabi ko ay magpahinga muna siya sa isa sa mga Private Room nitong hospital.
Tumango-tango si Rob at maya-maya ay nagsalita.
Rob: Nai-report niyo na ba sa mga pulis 'yong driver ng nakabanggang kotse, Mama?
Sandaling tumahimik si Sunday at pagkatapos ay malalim na nagbuntung-hininga.
Sunday: I wanted to, kaso sabi ni Teacher Roxy ay huwag na lang. Aside from that, hindi rin namin nakuha 'yong plate number ng kotse. Basta na lang kaming tinakbuhan.
Umiling-iling pa si Sunday matapos sabihin iyon.
Kumunot ang noo ni Rob dahil sa sinabi ng kanyang ina.
Rob: How about the CCTVs in the area?
Humalukipkip si Sunday at nagbuntung-hininga.
Sunday: Of course, I thought about that, my son. Pero nagpumilit si Teacher Roxy na huwag nang mag-file ng complaint. She said na okay na raw dahil ang mahalaga ay safe naman daw kaming dalawa.
Halata pa rin sa mukha ni Rob na gusto niyang i-report ang nangyari kay Roxy kaya napagdesisyunan niyang kausapin si Roxy tungkol sa bagay na iyon kapag nakalabas na ito ng hospital.
Sunday: Nabanggit sa akin ni Mavie na minsan ninyong nakasama sa panonood ng movie ang teacher niya dahil pinilit daw talaga ng apo ko ang sumama si Teacher Roxy.
Natatawa pa si Sunday habang nagkukwento kay Rob.
Si Rob naman ay nabigla dahil sa sinabi ng kanyang ina. Hindi niya sinabi ang tungkol sa bagay na iyon sa kanyang misis na si Callie dahil baka ma-misinterpret nito lalo pa nga at mabigat ang loob nito kay Roxy.
Hindi inaasahan ni Rob na ikukwento ng kanyang anak sa lola nito ang tungkol sa panonood nila ng movie ng kanyang anak sa isang movie house kasama ang Teacher Roxy nito.
Naiilang na ngumiti si Rob sa kanyang ina.
Rob: Uh, yeah, Ma. Hindi sana gustong sumama ni Teacher Roxy pero nagpumilit si Mavie.
Hindi na binanggit ni Rob sa kanyang ina na pati siya ay nakisali sa pag-convince kay Roxy na sumama ito sa kanila ng kanyang anak sa isang movie house.
Sunday: That's why nag-aalala ka para sa kanya, hijo, because you already bonded with her.
Ngumiti na lamang si Rob sa sinabi ng kanyang ina.
Sunday: Ngayon ay parang naiintindihan ko na kung bakit favorite teacher ng aking apo si Teacher Roxy. And I guess ay magugustuhan ko rin siya.
Lalong napangiti si Rob nang marinig mula sa kanyang ina na magaan ang loob nito kay Roxy.
Nang biglang may maalala si Sunday at binanggit nito iyon kay Rob.
Sunday: Wait, hijo. If I'm not mistaken, may nabanggit kang teacher ni Mavie na hindi gusto ng aking manugang, right? You said that on your birthday a few weeks ago.
Rob: Alam niyo ba, Papa, Mama, na hindi gusto ni Callie ang teacher ni Mavie?
Biglang napalingon si Callie kay Rob.
Callie: Rob...
Rob: Kahit i-deny mo, hon, nararamdaman kong kapag ikinukwento mo ang teacher ni Mavie ay ayaw mo rito. Hindi ko pa man siya nakikita ay parang nakikita ko ng napakasungit niyang guro.
Sunday: Why is that, Callie?
Napatingin si Callie sa biyenan.
Callie: Uhm... Nagbibiro lang po si Rob, Mama. Okay po ako sa teacher ni Mavie. Minsan lang talaga ay masyado siyang strict.
Napayuko si Rob na tatawa-tawa. Siniko ito ni Callie.
Sunday: That's their job, hija.
Callie: I know, Mama.
Kumunot ang noo ni Sunday nang titigan nito ang mga mata ng anak na si Rob.
Sunday: Don't tell me you were referring to Teacher Roxy.
Tumingin muna si Rob sa pintuan ng Private Room na nasa tabi nilang mag-ina bago muling humarap sa kanyang ina at tumango rito.
Si Sunday ay napabuka ang bibig ngunit walang namutawi na salita mula roon kasabay ng paglapat ng mga daliri nito sa kanang kamay sa kaliwang dibdib nito.
Sunday: Wow. What a small world, hijo.
Napailing-iling si Sunday habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa anak nito.
Sunday: Who would have thought na ang teacher na hindi gusto ng aking manugang ay ang siya pang magliligtas sa akin from an almost near-death experience?
Umiiling-iling pa rin si Sunday nang biglang lumitaw sa kanilang tabi ni Rob ang manugang nitong si Callie.
Sunday: Oh, hija. You're already here.
Napakunot ang noo ni Rob nang makita ang asawang si Callie at muling bumalik ang kanyang nararamdamang inis nang dahil dito.
Dahil sa natuklasang pagtataksil ni Callie ay hindi na alam ni Rob kung paanong pakikitunguhan ng normal ang kanyang asawa.
Callie: Mama told me everything, hon. As soon as I've heard what happened, nagpaalam agad ako sa mga kasama kong social workers para makapunta rito.
Bigla na lamang uminit ang ulo ni Rob dahil sa narinig niyang sinabi ni Callie. Nang muli siyang magsalita ay may halong panunumbat na sa tinig ng kanyang boses.
Rob: Kaya mo naman palang iwan ang mga kasama mo roon, but why didn't you do it earlier? Hindi sana muntikang mapahamak si Mama kung ikaw ang sumundo kay Mavie. Hindi sana mapapahamak---
Agad na itinigil ni Rob ang kanyang pagsasalita bago pa mabanggit ng kanyang mismong bibig ang pangalan ni Roxy sa harapan ng kanyang asawa.
Callie: Hon, please, I'm tired. I'm worried too. Hindi ko ginusto ang nangyari, so huwag na tayong magsisihan pa.
Tumiim-bagang si Rob ngunit pinili na lamang na huwag nang sagutin pa ang sinabi ng asawa at nilingon ang kanyang ina.
Rob: Mama, kukumustahin ko si Teacher Roxy. At magpapasalamat na rin ako sa kanya.
Nakita ni Rob ang panlalaki ng mga mata ni Callie nang banggitin niya ang pangalang Roxy.
Callie: W-wait. Mama, si Roxy 'yong teacher na nagligtas sa 'yo?
Nagbuntung-hininga muna si Sunday bago tumango sa manugang.
Nakita ni Rob na parang natigilan ang kanyang asawa dahil sa kumpirmasyon na iyon mula sa kanyang ina.
Rob: Yes. That teacher who you despise so much was the one who saved my mother's life.
Nahihimigan ni Callie ang talim sa tinig ng boses ni Rob.
Hindi pa rin makapaniwala si Callie sa mga natuklasan nito habang pinapanood ang pagpasok ni Rob sa loob ng Private Room kung saan naroon ang pinakaayaw nitong tao sa mundo.
Nakita ni Rob na nakaupo sa gilid ng hospital bed ang kanyang anak na si Mavie habang kausap nito si Roxy na ngayon ay nakasandal sa headboard ng hospital bed. Umakbay si Rob sa balikat ng kanyang anak.
Rob: Anak, nandiyan na ang Mommy mo. Baka gusto mong batiin muna?
Nakita ni Rob na umiling si Mavie.
Mavie: Nagtatampo ako kay Mommy, Daddy. She said she would pick me up from school and then we would watch movies. Pero si Lola Sunday po ang sumundo sa akin.
Akmang magsasalita na si Rob ngunit naunahan siya ni Roxy.
Inabot ni Roxy ang kanang kamay ni Mavie at marahang pinisil.
Roxy: Mavie, 'di ba I told you and your classmates na hindi magandang nagtatampo kina Daddy at Mommy? Minsan busy lang talaga ang parents ninyo at may mga bagay na hindi nila kontrolado kaya hindi nila natutupad ang promise nila.
Tumingin si Roxy kay Rob at ngumiti bago muling ibinalik kay Mavie ang atensyon nito.
Roxy: But that doesn't mean na hindi ka love nina Daddy at Mommy dahil ang totoo ay love na love ka nila. Lalo na at only child ka.
Matamis na ngumiti si Roxy kay Mavie at hinaplos ang pisngi ng bata.
Napangiti na rin si Mavie at biglang tumayo para yakapin ang ama nitong si Rob.
Mavie: I'll go to Mommy na, Daddy. Please take care of Teacher Roxy.
Tumatakbong lumabas ng kwarto si Mavie habang si Rob ay napakamot na lamang sa kanyang batok.
Nang tingnan ni Rob si Roxy ay napangiti siya dahil nakangiti ito sa kanya.
Roxy: Huwag mong seryosohin ang sinabi ni Mavie. Kaya ko ang sarili ko. Actually, uuwi rin ako ngayon. May klase pa ako bukas.
Nagulat si Roxy nang biglang abutin ni Rob ang kanang kamay nito.
Agad na binawi ni Roxy ang kanang kamay nito mula sa pagkakahawak ni Rob nang muling maramdaman ang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong sistema nito katulad nang naramdaman nito nang unang beses na magdikit ang kanilang mga kamay ni Rob.
Humingi ng paumanhin si Rob kay Roxy dahil sa kanyang kapangahasan.
Rob: I-I'm sorry. I just wanted to thank you for saving my mother's life. I can't thank you enough, Roxy. Kaya naman para makabawi, hayaan mo akong maihatid ka sa apartment unit mo.
Sinubukan pang tumanggi ni Roxy noong una ngunit sa huli ay napahinuhod din ito ni Rob.
Nauna nang umalis si Sunday dahil nagsabi itong kailangan na ito ng asawa nitong si Samuel. Si Mavie ay naroon na sa loob ng kotse ng ina nito habang si Callie ay nasa labas ng sasakyan nito at kausap nilang dalawa ni Rob si Roxy.
Callie: M-maraming salamat sa ginawa mo para sa aking mother-in-law, T-Teacher Roxy.
Ngumiti si Roxy kay Callie at tumango.
Roxy: Alam niyo, kung may presyo lang ang mga pasasalamat ninyo sa akin ngayon, siguro nalunod na ako sa pera.
Tumawa pa ng malakas si Roxy na ikinangiti ni Rob ngunit si Callie ay seryoso pa rin ang mukha.
Roxy: Kidding aside, wala lang sa akin 'yon. Kahit sino pa ang naroon nang mga oras na iyon ay ililigtas ko. Hindi ko hahayaang may masaktang tao sa harapan ako. Ganoon ako pinalaki ng parents ko.
Pigil na pigil si Callie na magtaas ng isang kilay nang marinig ang sinabing iyon ni Roxy dahil hindi ganoon ang pagkakakilala nito sa guro ng anak nito.
Maya-maya lamang ay nakatanaw na si Callie sa labas ng bintana ng kotse nito habang tinitingnan ang asawang si Rob at ang gurong si Roxy na pasakay sa loob ng kotse ni Rob.
Kailangan nang iuwi ni Callie sa kanilang bahay si Mavie para makapagpahinga ito kaya naman kahit gusto nitong sumama sa paghahatid ni Rob kay Roxy sa apartment unit ng babae ay hindi pwede.
Magtiwala ka lang sa asawa mo, Callie. Hindi gagawin ni Rob sa 'yo ang ginawa ni Liam noon.
Iyon ang sinasabi ni Callie sa isipan nito para pakalmahin ang sarili mula sa kabang nararamdaman nang mga oras na iyon.
----------
to be continued...