18

1470 Words
Laking pagkamangha ni Rylie sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Brix. Sa isang pribadong themed park kung saan napapalibutan ito ng magagandang tanawin, mga bulaklak, mga halaman, nakakaakit na dekorasyon, maaliwalas na makakaramdam ka ng ginhawa at katahimikan dahil sa bihira lang ang mga tao na nandoon, pawang mga may kaya lang talaga. Agad na tinungo nila Brix ang lugar kung saan naroon ang malaking gazebo, na talaga namang nakakaenganyo sa ganda na napapalibutan pa ng mga ilaw at mga pulang rosas. "sir Brix, ang ganda naman po dito, kaya pala ito ang paborito mong puntahan na lugar kapag pagod ka o kaya eh, nakakaramdam ng kalungkutan" si Rylie na talaga namang di makapaniwala sa kanilang pinuntahang lugar. Imbes na tumugon si Brix ay hinawakan niya ang kamay ni Rylie at inalalayan papunta sa gitna ng malawak na gazebo. "masaya ako at nagustuhan mo din dito, ngayon, oras na para sa main event" si Brix at agad hinawakan ang mga kamay ni rylie at ipinusisyon ito na parang magsasayaw ng ballroom at talaga namang sweet na sweet. Nagulat naman si Rylie sa biglaan na ginawa ni Brix, subalit kahit na naguguluhan ay dinama nalang niya ang kakaibang ligaya na magkalapit sila sa isa't isa. Unti unting nagpalit ang matitingkad na liwanag sa isang romantikong mga ilaw na nakakadagdag kilig sa kung sinuman ang nandoon at sinabayan pa ito ng pagtugtog ng isang musika. I just cant stop loving you By: glee (rachel & finn) 'each time the wind blows I hear your voice so i call your name Whispers at morning our love is dawning Heavens glad you came You know how i feel This thing cant go wrong Im so proud to say i love you Your love gets me high I long to get by This time is forever Love is the answer' "grabe! Totoo ba tong ginagawa ko?! Hindi tunay na babae si rylie pero bakit ganito yung pakiramdam ko para sa kanya?! Gumising ka Brix! Darn!" sa isip ni Brix habang nakatitig kay Rylie at patuloy sila sa pagsayaw saliw ng romantikong musika. 'i hear your voice now You are my choice now The love you bring Heavens in my heart When you call i hear harps and angel sing You know how i feel This thing cant go wrong I cant live my life without you' "anu ba tong nararamdaman ko? Imposible! Marahil ay tumatanaw lang ng utang na loob si sir Brix kaya niya ginagawa sakin ang mga bagay na ito, gumising ka sa katotohanan Rylie! hindi ka babae!" sa isip isip ni Rylie habang patuloy pa din sa pagsayaw salin ng romantikong musika. 'i just cant stop loving you I just cant stop loving you And if i stop then tell me just what will i do i just cant stop loving you' Parehas man na may gumugulo sa isipan ng dalawa ay nagpatuloy pa din sila sa pagsayaw, saliw ng romantikong musika. Sabay ng pagtatapos ng kanta ay namutawi ang kakaibang pakiramdam sa kanilang dalawa, kakaibang kilig ang naramdaman nila ng parehas magtama ang kanilang mga mata. At sa huling hudyat ng musika ay walang patumpik tumpik na naglapat ang kanilang mga labi. 'i just cant stop loving you' Sabay ng pagtapos ng kanta ay ang unti unting paghihiwalay ng kanilang mga labi at unti unting pagmulat ng kanilang mga mata. Bumalik lang ang kanilang diwa ng may dumating na ibang tao. ******* Malungkot na nakauwi si Steven sa kanilang tinutuluyan na agad namang napansin ni Felix. "uy pre, bakit tila di na maipinta yang mukha mo? Tila si squidward nalang ang makakapinta dyan ah" si Felix. "ah, wala pre, may iniisip lang" si Steven at agad naupo sa may terrace para lumanghap ng hangin. "asus, sabihin mo nga, dahil ba dun sa pagsermon ni tabatchoy? Wag mo ng intindihin yung matabang yun, gusto ka lang tikman nun, pero pre! nakakaingit ka talaga, nakilala mo si Dianne" si Felix at agad sinariwa ang autograph ni Dianne. "di naman dahil dun, parang kakaiba kasi yung naramdaman ko nung makita ko yung isa pang kahawig ni Rylie na si Reya, lalo na nung yakapin siya nung Brix na yun" paliwanag ni Steven. Tila naman naintriga si Gelix sa sinabi ni Steven at agad niya itong kinantyawan. "asus, pre, baka naman na love at first sight ka dun sa Reya na yun, tamang tama, ibalato mo nalang sakin si Dianne" si Felix sabay tawa ng nakakaloko. "puro ka talaga kalokohan, may asawa ka na't anak, babae pa din yung nasa isip mo, tsaka hindi yun yung ibig kong sabihin, para kasing may kakaiba sa Reya na yun, kahawig niya talaga si Rylie, kung tama ang kutob ko na siya ang nawawalang kambal ni Rylie, siya din ang magiging sagot ko para mahanap ko si Rylie" si Steven na di nawawalan ng pag asang makita si Rylie. "anong plano mo ngayon? Kung totoo man yang kutob mo?" "si Dianne ang makakatulong sa akin" si Steven sabay tingin sa calling card na binigay ni Dianne. ************** Sa isang tipikal na bar, maingay, maraming nag iinuman, sumasayaw sa dance floor, nakikipaglandian at kung anu ano pa matatagpuan si harajima kasama ang tatlong barkada nito. Talagang binuhos nito ang kanyang galit sa pag inom ng dahil kay Dianne. "pre, hinay hinay lang sa pag inom, gusto mo ihanap ka namin ng mga babae dito para kahit papaano lumamig yang ulo mo?" suhestiyon ng kabarkada ni harajima. "bwiset!! (sabay dabog sa basong hawak at muntikan pa itong mabasag) si Dianne lang ang gusto ko! Di ako papayag na balewalain niya lang ako ng ganun ganun nalang! Ipinagpalit niya ako sa isang basahan?!" si Harajima na kulang na lang eh umusok ang ilong sa sobrang galit. "pre, easy lang, anu nang plano mo ngayon? Eh may nakauna na pala kay dianne?" saad ng barkada nito. "hindi ako susuko ng basta basta lalo pa't sa isang hampas lupa lang, huwag na huwag lang sakin magpapakita yung lalaking yun, pasalamat siya at napigilan ako Dianne kundi baka basag na yung mukha nun ngayon" si Harajima habang inis na inis na sinasaruwa ang nangyari kanina. ************* Sa ospital kung saan nakaconfine ang bumaril kay Nestor na nananatili pa ding walang malay... Bantay sarado ito ng dalawang pulis at nananatiling nakaantabay si Raul para sa pag gising nito. "chief, bibili lang ako ng maiinom, pakitawagan ako agad oras na magising ang suspek" paalam ni Raul sa dalawang pulis na agad namang sumang ayon sa kanya. Pagkababa niya nang hagdan papunta sa labas ng hospital ay may nakasalubong itong isang lalaki at isang doktor, natitigan niya ng maigi yung doktor at tila parang sumisiksik sa kanyang utak na nakita na niya ito ngunit di lang niya maalala. Inisip na lang niya na baka guni guni niya lang yun kaya nagpatuloy nalang siya sa kanyang pupuntahan. Samantala, sa kwarto kung nasaan ang suspek. . . > Sinisiyasat ng nurse ang kalagayan ng pasyente, kung titignan ay wala pa din iting malay. Pagkalabas na pagkalabas ng nurse ay agad bumukas ang mga mata ng suspek na tila nagpapangap lamang itong walang malay. 'kailangan makaalis agad ako dito' agad na namutawi sa isip ng suspek. ************* Nabigla sina Brix at Rylie ng makadinig ng taong paparating, buti nalang at tapos na ang kissing momentz nila. "mukhang nahuli tayo ng dating hon" pagkadismaya ni Shiro habang inaalalayan ang kanyang asawang si Cecilia papunta sa romantikong gazebo. "okay lang hon, maganda naman dito eh, (nagulat ng makita sina brix) mukhang may nauna na pala sa atin hon" si Cecilia sabay bitiw ng matamis niyang ngiti kina Brix. "aba! teka, kung hindi ako nagkakamali ay si Brix ito, kamusta ka na hijo?" masayang bati ni Shiro sabay lahad ng kamay nito kay Brix para makipag kamay. Agad naman na tinugon ito ni Brix. "mister and misis Matsuda, natutuwa po akong makita kayo, mukhang may date po ata kayo ni ma'm Cecilia" "ou nga eh, akalain mo yun sa parehas pa nating lugar naisipang makipag date? Haha, yun nga lang eh nahuli kami nitong asawa ko, siya nga pala, sino iyang napakagandang kasama mo?" si Shiro na biglang na curious kay Rylie na nananatiling nakayuko at nagtatago sa likod ni Brix. "uhm. . . Sir, i want you to meet Reya, s-s-s-shhe is my. . . . Uhm. . . Girl-friend" pagpapakilala ni Brix kay Reya at agad niya itong iprinesenta sa mag asawa. > "so, siya pala yung nababalitaan kong bago mong girlfriend? very pretty, galing mo talagang pumili Brix" si shiro at agad kinuha ang kamay ni Rylie upang halikan bilang pagpapakilala nito. "i think im one of the luckiest guy ever" tugon ni Brix na sadyang napapakamot nalang sa kanyang ulo. Di naman maiwasan na magtama ang mga mata nila Rylie at Cecilia. Aminin man ni Cecilia o hindi ay may kakaiba siyang naramdaman sa pagkikita nilang ito ni Rylie. . . Itutuloy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD