15

2863 Words
That was the first kiss The first kiss that felt by the innocent luscious lips of Rylie Million volts surround his body What is this feeling? Napakasarap sa pakiramdam. That kiss lasts for 50 seconds at tila nadala si Brix sa kakaibang pakiramdam na iyon na tila ba nagustuhan niya din ang kanyang ginawa kahit wala naman talagang plano na kissing scene. “now Vanessa, do you believe now? I no longer love you” si Brix na hindi magawang tumingin kay Vanessa. “NO!!! hindi pwede to!!” si Vanessa na naluluha at akmang susugudin si Rylie, buti nalang at naawat kaagad ito nila Dianne at Brix kundi baka matanggal ang disguise ni Rylie. Agad na din na nakiawat ang waiter at ang guard para ilabas na ang naghihisterical na si Vanessa na talagang nagpupumiglas at gustong saktan si Rylie at Brix. “damn you Brix!!! Liar!!! Break na tayo!!” sigaw ni Vanessa habang inilalayo palabas ng guard at pilit talagang kumakawala. First time na marinig ni Brix ang mga katagang iyon mula kay Vanessa, kahit ano kasi ang gawin niya noon ay hindi umuubra para kusang humiwalay na sa kanya si Vanessa. Ibig sabihin ay tagumpay ang kanilang plano? He is free and single but not ready to mingle. “Success!! Goodbye Vanessa, ahahaha, wow kuya! I can’t believe about the kissing scene, pang romantic movie talaga, I loved it! sana nakuhaan man lang natin, nakakakilig!!” pagkamangha ni Dianne sa nangyari. “uhm, sorry Rylie for what I did, alam ko na wala yun sa plano” si Brix na hindi makatingin kay Rylie. Tulala pa din si Rylie sa pangyayari ngunit pinilit nalang niya na ibalik ang sarili niyang diwa. “o-o-o-okay l-l-l-lang…… po… s-sir” si Rylie na talagang nauutal at hindi din makatingin kay Brix, hindi niya kasi talaga expected na magkakaroon ng ganoong halikan portion. “naku, kayo talagang dalawa, okay lang yan, dapat ay magcelebrate tayo dahil tagumpay ang plano right?” si Dianne na labis ang saya sa kanilang tagumpay. Brix felt guilty for Vanessa but ang mas dapat niya sigurong isipin at pagtuunan ng pansin ay ang kakaiba niyang nararamdaman. Samantala, masayang nilisan ng photographer ang naturan na restaurant, everything was perfect and precise, tiyak niya na mababayaran siya ng malaki para dito. **************************** Nabigo naman sa pagahahanap sila Steven kay Rylie. Sa ngayon ay tinatahak nila ang daan pauwi sa kanilang tinutuluyan, ilang oras nalang kasi at kailangan na nilang magtrabaho. Habang sila ay naglalakad, nagulat nalang si Steven sa kanyang kasama. “Ayun pre!! Tignan mo yung billboard!! Siya yung sinasabi ko na kahawig nung hinahanap natin sa picture na ipinakita mo, di ko nga lang matandaan kung ano ang pangalan niya” saad ng kaibigan nito. Agad naman na napatingin si Steven sa billboard at nagulat siya dahil may hawig nga ito kay Rylie. “oo nga pre, kung titignan parang may pagkakahawig sila pero baka naman nagkataon lang, alam mo naman, maraming may kahawig ngayon sa mga artista” si Steven na lumungkot bigla dahil naalala nanaman si Rylie. “o pre, bigla nanaman naging biyernes santo yang mukha mo, talagang napakahalaga sa iyo nung Rylie na yon ano? Wag kang mawalan ng pag-asa, makikita din natin siya, naku buti pa at magmadali na tayo at baka masermonan tayo nung baklang tabachoy” paalala ng kanyang kaibigan. “tama ka pre, salamat, buti pa nga eh magmadali na tayo, baka kaltasan pa tayo nun ng sahod” si Steven na binuo ulit ang kanyang kalooban at nagmadali na sila sa pag-uwi. ************************** Bigo pa din si Cecilia na may madatnan sa bahay nila Martha kaya nagpasya nalang silang umuwi ni raul para na din siya ay makapagpahinga. Tinatahak nila raul ang kalsada pauwi, maneho ang sasakyan ng bigla nalang may maaninag si Cecilia na pamilyar ang mukha at labis itong naghatid sa kanyang damdamin ng pag-asa. Isang lalaking naghahabol ng hininga at paika-ikang maglakad dahil sa sugat nito sa paa. Sa pagkakakita ni Cecilia dito ay agad niyang pinahinto ang sasakyan at agad silang bumaba ng sasakyan para habulin ang lalaki na iyon. “Nestor?” si Cecilia na gulat sa kanyang nakita. Ngunit nagulat nalang siya ng bigla itong nagpilit tumakbo papalayo na tila may tinatakasan ito kaya agad itong hinabol ni Raul. “habulin mo siya Raul! Susunod ako!” si Cecilia at nagmadaling sumakay ng kotse at agad pinaandar ito para mas mabilis maabutan si Nestor. Pilit na tumatakbo si Nestor palayo sa mga humahabol sa kanya kahit na may sugat itong iniinda sa kanyang paa. Talagang binilisan ni Raul ang paghabol dito, at hindi naman siya nabigo dahil mas mabilis siya kaya agad niyang pinigilan ito. Pilit na kumakawala si Nestor at talaga naman na mababakas ang takot na pumapalibot sa kanya. “huminahon ka!! Hindi ako masamang tao!! Wala akong balak na masama sa iyo!” si Raul na pilit pinapakalma si Nestor. “sino ka ba?! Anong kailangan mo sa akin?!” si Nestor na may halong takot at kaba na kulang nalang ay talagang maiyak pa siya. “Tauhan ako ni Cecilia, matagal niya na kayong hinahanap, lalo na ang kanyang kapatid na si Martha” mahinahong tugon ni Raul. “si Cecilia? N-n-nasaan siya?” si Nestor na agad inilibot ang kanyang paningin sa paligid at sakto dahil agad naman na dumating ang kotse na maneho ni Cecilia. Agad na bumaba si Cecilia sa kotse at dali-daling pinuntahan si Nestor ngunit isang mabilis na pangyayari ang sumunod. “ma’am Cecilia!! Dumapa kayo!!” si Raul at agad na tumakbo sa kanyang amo para proteksyonan ito at magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. ***************************** Sa bahay ng mga dela merced... Pagkadating pa lang ay agad na dumiretso si Brix sa kanyang kwarto. “grabe, ang weird naman ni kuya, bakit biglang nagkaganon yun? Sinumpong nanaman, well maiba tayo, salamat talaga Rylie ha? Ang laki ng naitulong mo” si Dianne na labis na pinasalamatan si Rylie. “wala pa po iyon kumpara sa naitulong niyo sa akin, masaya po ako at nakatulong ako sa inyo” tanging naitugon nalang ni Rylie dahil sa mga bumabagabag sa kanyang isipan. “hmmm, is there something wrong? Parang parehas kayo ni kuya, bigla nalang kayong nag-iba? tell me Rylie” si Dianne na biglang nabahala sa kilos ni Rylie. “ah, eh, wala po, baka dahil lang din sa pagod at saka sa sakit ng paa, di pa po kasi ako sanay mag high heels” palusot nalang ni Tylie. “ah ganun ba, naku mabuti pa ay magpahinga ka na, pero wag mung kalimutan tanggalin ang wig at meyk-up ha?” paalala ni Dianne at agad na itong nagpaalam papunta sa kanyang kwarto para makapagpahinga na din. Nagulat naman si Rylie ng bigla niyang masalubong si manang, katulong nila brix. “wow, rylie, ang ganda mo naman, ikaw ba talaga yan? Para kang artista ah, naku sana pala nakuhaan kita ng litrato para remembrance man lang” pagkamangha ni manang. “nako salamat po, kayo talaga oh, buti pa ho ay magpahinga na tayo” si Rylie at agad na silang dumiretso sa kani kanilang kwarto. Kinaumagahan….. Papungas pungas na gumising si Rylie para makapaghanda na ng almusal nila Brix. Pagkalabas pa lang niya ng kwarto ay agad niyang nakita si manang na tila may pinagkakaabalahan. “good morning po manang, ang aga naman po niyan pinagkakaabalahan niyo” pagtataka ni Rylie. “nako, buti nalang at gising ka na, tignan mo ito oh, may souvenir na ako sa hitsura mo kagabi” si manang at agad pinakita ang ginupit niyang larawan. Nagulat naman si Rylie sa ipinakita sa kanya ni manang, paano siya nagkalitrato? Wala naman siyang maalala na nagpicture taking sila nila Dianne kagabi. “manang saan niyo po nakuha yan? Larawan po ng ayos ko iyan kagabi hindi po ba?” labis na pagtataka ni Rylie. “naku, rylie, sikat ka na, tignan mo oh, nasa pahayagan ka, at hindi lang iyan, tignan mo ang larawan na nasa front page” excited na pinakita ni manang ang dyaryo kay Rylie. Nanlaki talaga ang kanyang mata sa nakita, kasabay noon ay ang pagkagulat niya sa pagsigaw ni Brix sa pangalan ni Dianne. ******************************* Nakapag-ayos na sila Steven para sa kanilang pag-uwi, natapos nanaman ang oras ng trabaho at tamang tama dahil makukuha na nila ang paunang sweldo. Isa-isang pumapasok ng kwarto ang mga lalaki kay madam Ursula para kunin ang kanilang sweldo, as usual, sila Steven at ang kanyang kaibigan na si Felix ang huli dahil sa sila ang baguhan. Nauna si Felix na pumasok sa kwarto ni Ursula para kumuha ng sweldo, sa kanyang pag-aantay ay nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. “nako steven, ihanda mo na yang sarili mo” paalala nito. “bakit naman pre? Kukuha lang naman ng sahod eh” naguguluhang tugon ni steven. “baguhan ka pa nga talaga, tiyak ko kasing aalukin ka nung ursula na iyon, narinig ko kasi kay Fatty na interesado sayo yung baklang yun” saad ng lalaki. “anong ibig mong sabihin? Ano bang iaalok niya sa akin?” naguguluhan pa ding tanong ni Steven. “eh ano pa, eh di pera kapalit ng katawan mo, halos lahat ng may hitsurang baguhan ay dumaan na sa kanya at kabilang na ako doon” tugob ng lalaki. Nagulat naman si Steven sa sinabi sa kanya, di niya akalain na may ganoong kalakaran sa bar. “pwede naman hindi pumayag hindi ba? Hindi ko kayang ibenta ang katawan ko para sa pera, pwede ko naman iyon na paghirapan” paninindigan ni Steven. “nako kung ako sa iyo ay pumayag ka nalang, tsaka biruin mo, doble pa ng sahod mo ang ibibigay niya sa iyo” payo ng lalaki kay Steven. Tutugon pa sana si Steven ngunit biglang lumabas ang kaibigan niyang si Felix at marahil ay nakuha na nito ang sahod niya. “good luck pre” tanging nasambit lang ng kanyang kausap. “pre antayin nalang kita sa labas ha? Bwiset, nakaltasan ako dahil sa nabasag kong bote” pag angal ni Felix na talagang napapakamot sa ulo habang binibilang ang kanyang pera. Kinakabahan naman na pumasok si Steven sa silid ni Ursula. Tila talagang sabik na sabik ito sa kanyang pagdating. “maupo ka hijo, want some coffee? Tea? Or juice? Or something?” pag-alok ni Ursula at agad kumuha ng baso para kay Steven. “salamat nalang po, okay lang po kahit wag na” pagtanggi ni Steven at talagang napalunok ito sa sobrang kaba. Imbes na tumugon ay tumayo si Ursula papuntang likudan ni Steven at marahang hinaplos ang balikat nito na labis nagdala ng sobrang kaba kay Steven. “ikaw talaga, wag kang kabahan, hindi naman kita kakainin eh, lalasapin lang naman kita” si Ursula na dahan dahan ibinababa ang paghawak niya papunta sa matipunong dibdib ni Steven, tila nasabik itong hawakan ang parting iyon dahil sa sobrang sarap nitong kapain, talagang mararamdaman ang hubog ng muscles sa parte na iyon. Nanindig naman ang balahibo ni Steven at talagang gusto na niyang kumawala sa mga oras na iyon. “ma’am, pasensya na po, medyo pagod na po kasi ako eh, kelangan ko na po magpahinga” palusot ni Steven na medyo umabante paharap sa pagkakaupo para malihis sa kamay ni Ursula. “magaling akong magmasahe, tiyak kong babalik ang lakas mo, gusto mo buong katawan mo pa” si Ursula na mapilit talaga at talagang pinagapang na niya ang magkabila niyang kamay sa malapad na dibdib ni Steven. Tila hindi na nakayanan ni Steven ang ginagawa sa kanya ni Ursula kaya agad itong tumayo para makawala sa galamay nito. “pasensya na po, pero hindi ko po kayang gawin ang gusto niyong mangyari, hangad ko lang po ay kumita ng pera sa tamang paraan” si Steven na talagang nanindigan sa kanyang sarili. Tila naman nadismaya si Ursula at agad itong bumalik sa kanyang upuan at daling inayos ang sarili. “ganun ba, alam mo, sayang ka Steven, kikita ka ng malaki kung gagamitin mo lang ang utak mo, taglay mo ang hitsura at katawan na pagpapantasyahan di lang ng mga babae, kundi ng mga bakla, at sa tingin ko talagang magbabayad sila ng malaki matikman ka lang, lalo na ako, name your price Steven” si Ursula at agad na nilabas ang kanyang cheque. “sorry ma’am pero salamat nalang po, masaya na po ako sa matatanggap kong sweldo ngayon” seryosong tugon ni Steven. Tila wala ng nagawa si Ursula para kumbinsehin pa si Steven at agad nitong iniabot ang envelope laman ang kanyang sweldo, agad naman na nagpasalamat si Steven at akmang lalabas na sa silid ni Ursula ay bigla itong nagsalita. “pag isipan mong mabuti ang inaalok ko sayo” pahabol ni Ursula at tuluyan nang lumabas si Steven ng kwarto. ************************* Samantala... Problemado naman sina Brix habang kumakain, dahil kalat na sa buong pahayagan ang larawan ng halikan nila ni Rylie at tiyak niya na pag-uusapan iyon sa showbiz industry. “Dianne, umamin ka na, may inimbita ka ba na tiga media doon? paano lalabas ang larawan na ito ng basta ganun ganun na lang?” si Brix na labis na nababahala sa magiging eskandalo ng nangyari. “kuya naman eh, wala akong alam diyan, cross my heart, tska hindi ko naman alam na may paparazzi palang mapapadpad sa lugar na iyon” pagdepensa ni Dianne. “paano na ngayon yan? Tiyak kong uungkatin ng mga press kung sino ang babaeng ka date ko, at higit sa lahat eh hindi naman talaga babae ang ka date ko at kahalikan ko” si Brix na napahawak nalang sa kanyang ulo sa sobrang pag-iisip. “kuya, kalma ka lang okay? Masyado kang naghihisterical, para ka na tuloy si Vanessa, kuya, hindi kaya pabor din ang sitwasyon na ito para sa iyo?” si Dianne na unti unti nanaman na may nabubuong plano sa kanyang isip. “teka, anu nanaman yang nasa isip mo?” si Brix na kinakabahan nanaman sa naiisip ni Dianne. “kuya, I think na its better na harapin mo iyang issue na yan, and I think its better na ipakilala natin si Rylie, yung babaeng version ha? Sa media para matigil at matahimik din sila right? Biruin mo, hindi nakakahiyang ipakilala si Rylie na ubod ng ganda, bagay nga kayo eh” si Dianne. “pwede ba Diann tigilan mo yang pang iinis mo, tska wala naman na akong magagawa kundi gawin iyon, ang linaw ng katibayan, alanganaman magsinungaling pa ako na kaibigan ko yang kahalikan ko” si Brix at agad naputol ang usapan nila ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Tinawagan siya ng isang tiga media para mag guest at tanungin paukol sa kumakalat na larawan, as usual walang nagawa si Brix kundi ang pumayag. Pagkatapos ng usapan ay agad siyang nag ayos para sa kanyang pagpunta sa naturang network. Samantala habang naiwan si Dianne na kumakain ay nakatanggap naman ito ng mensahe galing kay Harajima. ‘’hi Dianne, how are you? Pwede ba kitang maaya for a dinner date?” Nagdalawang isip pa si Dianne bago pumayag sa dinner date na alok sa kanya ni Harajima, marahil ay friendly date lang iyon at tanggap na niya na hanggang magkaibigan lang sila kaya agad itong nireplyan ni Dianne. “ok, what time and where is the venue?” Di naman nagtagal ay agad nagreply sa kanya si Harajima, halatang excited ito. “thanks Dianne, later at 6 at the alfiesto resto, see you later” Di na nagreply pa si Dianne dito. ********************************* Sa tinutuluyan ni Steven... “ano? Inalok ka ni Ursula? Grabe pala yun? Sana ako nalang yung inalok niya kahit pagsawaan pa niya ako ay okay lang, kelangan ko pa naman ng pera pambinyag sa anak ko” tugon ni Felix na talagang nagulat sa ibinalita sa kanya ni Steven habang nag kakape sa kanilang tinutuluyan. “loko loko ka talaga, papayag ka ng ganun para lang sa pera? Kung pwede mo naman pagtrabahuhan itong sa marangal na paraan?” si Steven sabay kuha ng dyaryo. “alam mo pre, sa panahon ngayon di na dapat iniisip yan, ang hirap kumita ng pera ngayon, ang daming gastusin tapos ang taas pa ng mga bilihin, sayang talaga yun, sana alukin din ako nung Ursula na yun, maghubad nalang kaya ako sa harap ng Ursula na iyon pag kukuha tayo ng sweldo” tugon ni Felix sabay tawa at nakibasa na din sa hawak na dyaryo ni steven. Sa pagkakakita ng dyaryo na iyon ay talagang parang namalik mata si steven kaya talagang sinuri niya ang larawan, maging ang kaibigan niyang si Fwlix ay nakisuri na din sa larawan na iyon. “pre, napakaganda ng babaeng iyan ano? At biruin mo, kahawig din nung hinahanap natin, grabe, ang daming kahawig nung kaibigan mo na yun” pagkagulat ni Felix. Di nakatugon si steven bagkus ay talagang sinipat niya ang larawan na iyon na tila ba may kakaiba siyang pakiramdam ng ito ay makita niya. ITUTULOY…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD