CLAIRE A FEW MONTHS later, I was playing with Lexa in the garden when I saw a taxi stopped by in front of our house. Wala akong ine-expect na bisita at nang umalis si JP kanina para makipaglaro ng golf kay Papa ay dala niya ang kotse. Who could this be? It was Chrissa. Buntis siya at may pasa ang mukha. Hustong dating ni Yaya Mendy kaya inihabilin ko muna ang anak ko sa kaniya. “Sige po, Ma’am. Ako na ang bahala sa cute na baby natin. Iche-check ko na rin po ang diaper at baka puno na.” “Salamat, Yaya.” Pinuntahan ko si Chrissa sa gate at may bitbit itong isang maliit na bag. “Chrissa, w-what are you—why are you here? Anong nangyari sa iyo?” Binuksan ko ang gate at pinapasok siya. “I’m sorry kung naistorbo kita. Wala na kasi akong ibang mapuntahan,” sabi niya sa akin. Malayo na a

