JP ILANG ARAW NA ako rito sa New York at inabala ko ang sarili ko sa mga gawain sa opisina. Sobrang miss ko na ang mag-ina ko pero hindi naman ako makauwi sa ngayon. I have been pretending to be nice to Liezl and her baby pero wala talaga akong maramdaman na lukso ng dugo sa bata. Hindi katulad noong una kong nakita ang anak namin ni Claire. Parang puputok ang dibdib ko sa tuwa at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong oras na iyon. I just know that I have so much love for my daughter. I was about to call my wife when my phone rang. Alas-otso pa lang ng gabi sa Pilipinas. “Hi, Baby, are you up yet?” tanong sa akin ni Claire. “Hey, kanina pa ako sa opisina. I can’t sleep so I might as well make something productive. Kumusta na kayo ni Lex?” “We’re fine. Don’t worry about us.

