CLAIRE ALL I COULD do was cry. Magkahalong awa sa sarili at galit sa nangyayari sa akin. I know all of them just wants to help, but I feel so useless. Ang hirap na kapag umiiyak ang anak ko ay hindi ko kaagad siya mapuntahan. I had to ring the bell to get help and I should be the one doing it. Ako ang ina ni Lexa. “JP, I. . . I need help,” umiiyak na sabi ko sa kaniya. Mahirap para sa akin na sabihin iyon pero pakiramdam ko ay nalulunod ako sa bawat araw na ganito ang sitwasyon ko. Pinahid niya ang luha ko. “I’ll do anything. What do you need?” “I feel like I’m going to lose my mind kapag tumagal pa na ganito ang lagay ko. I can’t be like this forever. It’s not fair to you and it’s not fair for our daughter.” Napahagulhol na ako ng iyak at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

