Chapter 4

1135 Words
CLAIRE INDEFINITELY? HALOS MAGDUGO ang gilagid ko sa diin ng pag-toothbrush. Akala ko ay ilang linggo lang ang ititigil niya rito. Why is he suddenly staying indefinitely? Wala ba siyang trabaho? Sabagay, lahat naman halos ngayon ay nagagawa na sa online kahit meeting. Nang matapos ako sa washroom ay hinagip ko ang bag ko at binaybay ang hagdan pababa. Medyo nagulat pa ako nang makita si JP na naghihintay sa huling baitang. “Are you ready?” tanong ko sa kaniya. “Yes. I was just waiting for you. Malayo ba ang farm mula rito?” I appreciate the small talk. Sabagay, hindi pa naman siya nakakapunta roon. “About half an hour kung hindi matraffic.” Nang marating namin ang kotse ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Tahimik kaming nagbiyahe patungo sa farm. JP enjoyed looking at the scenery kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Tunay namang napakaguwapo niya. Kung naiba lang ang pagkakataon at normal ang namagitan sa aming dalawa ay baka natuwa ako at magpapakasal kami. You know—ligawan, getting to know each other, yadah-yadah. When we reached the farm, we were offered beverages at mula rito sa mag-lobby ay tanaw ang mga taong nagtatrabaho rito sa farm. We culture fresh water pearls. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang mga ginagawa namin dito sa farm and although it sounded business-like, he looked like he wanted to know about it. I don’t there’s one like this in New York dahil sabi nga niya ay first time niyang makapunta sa pearl farm. “Hindi ba kayo nahihirapan? I mean, what are the challenges you face in a business like this?” “Katulad lang ng ibang negosyo, kapag masyadong mainit o malamig ang panahon, bagyo, water pollution—naaapektuhan kami. Pero nakakaraos naman.” “I guess hard work and patience is a must.” “Yes. I agree.” “Parang sa isang relasyon. Hard work din at maraming pasensiya.” Napatawa siya sa sinabi niya habang ako naman ay napanganga. Ang pinag-uusapan, perlas. Paano napunta sa relationship? Tumikhim ako. “Nagugutom ka na ba?” Tama. Gutom lang siguro siya kaya sari-sari ang naiisip. “I could eat but maybe we should take a stroll and talk some more.” “Okay, then let’s take a walk and talk. I’ll show you around the place. On second thought, the farm is huge so let’s take the golf cart.” Lumapit ako sa front desk at humingi ng isang susi. Naglakad kami papunta sa hilera ng golf carts pero bago kami makarating doon ay hiningi niya ang susi. “I can drive it,” sabi niya sa akin. “Do you know where to go?” He grinned at me. “No. But that’s where the fun starts. Besides, how lost can we be in here? The farm can’t be that big." Tama naman siya. Malaki ang farm pero hindi ka naman mawawala unless magpunta kami sa gubatan sa likod. The trails are not finished there yet at medyo mataas ang damo. I have been there once at may waterfall doon. We need a guide though, dahil kahit matunton namin iyon ay hindi ko alam ang daan pabalik. It’s about a half hour walk. “Hindi rin ako sanay na babae ang may hawak ng manibela. I mean, I don’t mind them driving. But if I am with them, I like being in charge of the wheel.” Nang makaupo kaming dalawa ay pinaandar na niya ang golf cart. We talked as we go. “May waterfall dito sa may hindi kalayuan pero hindi pa tapos ang trail so I don’t suggest going there.” “Matarik ba?” “Medyo. Pero hindi naman gaano. Hindi ko lang kabisado ang daan at isa pa, mataas ang damo. Mangangati ka lang.” “Okay lang mangati, ikaw naman ang mag-aalaga sa akin.” Tatawa-tawang sabi niya sa akin. Inirapan ko siya. “Stop.” Itinigil niya ang golf cart at napatampal ako sa noo ko. “What?” tanong niya sa akin. “Stop flirting, not stop the golf cart,” inis kong sabi sa kaniya. Humalakhak siya sa sinabi ko. “You didn’t have a problem in New York when I was flirting with you.” “Well, sorry to disappoint you but we are no longer in New York. And also, I had a drink then.” My God! Does he really have to remind me that? It’s not my proudest moment. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Halo-halo ang emosyon ko. One minute, I like being around him. The next minute, inis na inis ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. JP is actually nice to me and I am not usually like this. Instead na umandar kami ulit ay mabilis niya akong binuhat at inupo sa kandungan niya. “JP!” hiyaw ko. Ito iyong struggle na kahit magpipiglas ako ay futile dahil nakayakap siya sa akin. Not to mention his smell is giving me delirious thoughts. And they are all s****l—parang bumabalik ako sa nangyari sa amin sa New York. “Why are you so irritated with me? Hmm?” bulong niya sa akin. He was nuzzling behind my ear at nakikiliti ako. Nanglalabo ang mga mata ko sa mga sensasyong ginigising niya sa akin. Nandito kami ngayon sa may burol at bagama’t may bakod ay hindi pa namin ito pinapapuntahan sa mga bisita. Not until the proper fence is put on so this is technically off limits to visitors except for employees. “I d-don’t. . . I don’t know.” I heard him chuckle. “Can we start over? I really want to get to know you, Claire.” “Claire?” “Your name is too long and I think Claire suits you perfectly. Besides, I had a huge crush on Claire Danes when I was younger.” “Ipinangalan mo pa talaga ko sa crush mo?” Bigla na naman akong nainis sa kaniya. I wanted to go back to my seat pero ayaw niya akong payagan. “Selosa. Just so you know, you are not getting off my lap until you agree with what I want. At least give us a chance.” He planted a kiss on my shoulder at saka ipinatong ang baba niya roon. I can feel his stares at nag-iinit ang pisngi ko. Ayaw ko sanang bigyan ng puwang ang gusto niya dahil hindi ako para sa isang long distance relationship kung sakaling doon nga ang tungo namin. My place is here in Davao and I don’t think he will leave New York for me. “Fine, let’s try it for two weeks and then kung wala talaga—we will move on and forget about everything.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD