AVA Iyak ako nang iyak habang hinahaplos ni Jaxson ang likod ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin ngayong araw. Hindi ko namang expected na rito rin kakain si Candy. May konting pagsisisi kung bakit pumayag akong kumain sa labas kasama si Jaxson. Sana hindi nangyari ito. Sino naman kasi ang hindi magagalit kung makikitang may ibang kasamang babae ang fiance mo. Kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Candy ay baka ganoon din ang gagawin ko. Ngunit sa kabilang banda masaya ako dahil ipinagtanggol ako ni Jaxson laban kay Candy. Hindi ko ring maiwasang makonsensya. Nang dahil sa akin nasaktan pa ni Jaxson si Candy nang dahil sa pagtatanggol niya sa akin. “I am so sorry nang dahil sa akin nag-away kayo ng fiancee mo at nasaktan mo pa,” sabi ko at saka pinunasan ang luha ko sa mga mata.

