AVA Isanglinggo ang nakalipas ay naka-recover na ako sa pagkawala ni Nanay at mga kapatid ko. Nagpapasalamat ako at palaging sa tabi ko si Kara at si Jaxson na walang sawang pagtulong upang tulungan akong maka-move on sa nangyari sa pamilya ko. Masakit ang kinasapitan ng pamilya ko, pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Tutuparin ko ang pangarap ni Nanay para sa akin na makatapos ng pag-aaral. Gagawin ko iyon para sa ganoon ay matuwa siya kahit nasa kabilang buhay na siya. “Inaasahan ko ang pagpunta mo sa graduation ko. Sana pumunta ka,” sabi ni Jaxson. Ngumiti ako. “Oo naman. Congrats at makaka-graduate ka na ng Senior High. Saang school ka mag-aaral?” Tanong ko. “Sa Ateneo de Manila. Doon kasi nag-aral si Mommy kaya gusto kong doon din ako magtapos.” Inakbayan niya ako. Sumanda

