AVA Hindi ko alam kung sino’ng paniniwalaan ko. Si Candy na nagsasabing siya ang gusto ni Jaxson o si Jaxson na nagsasabing mahal niya ako at hindi lolokohin. Napapatingin si Kara sa akin. Tahimik lang ako habang nakaupo at nakatingin ng diretso sa pisara. “Ava, don’t tell me nahulog ka na kay Jaxson kaya ganyan ang reaction mo? Sinabi ko naman sa iyo huwag mong seryosohin ang magagandang sinasabi niya. Kung mahal ka nga niya hindi niya gagawin ito sa iyo.” Payo sa akin ni Kara. Hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya. Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ako lolokohin ni Jaxson. Sinabi niyang mahal niya ako at pinapaniwalaan ko iyon. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. “Huwag na lang nating pag-usapan.” Pag-dismiss ko sa sinabi niya. Humarap ako sa

