AVA Habang hinihintay si Inspector Miko Dela Costa ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Kanina pa ako urong-sulong sa desisyon kung pupunta ako o hindi. Sa huli ay napagpasiyahan kong pumunta upang humingi ng tulong. Siya naman ang nagsabi sa akin noon na kapag may kailangan ako ay tutulungan niya ako. Ito ang tamang oras. Habang hinihintay ang pagdating ni Inspector Dela Costa ay wala akong ginawa kundi tumayo at umupo sa paghihintay ng kalahating oras. Naiintindihan ko naman na busy siya sa trabaho niya para agad akong harapin. “Good morning po, Agent Dela Costa.” Bati ko nang dumating siya. “Ako nga po pala si Ava Gomez iyong anak ng namatay na iniimbestigahan niyong sunog sa may Tondo Manila.” Dagdag kong sabi sa kanya. Baka hindi na niya ako matandaan. “Yes, I remember you

