AVA Nagtaka ako dahil ilang araw ko nang hindi nakikita si Jaxson sa school. First time para sa aking hindi siya nakikita. May problema kaya ang lalaking iyon? “Malalim yata ang iniisip mo?” Tanong sa akin ni Kara nang tumabi siya sa katabing upuan. Kunot noong napatingin ako sa kaibigan ko. Parang nababasa niya ang nasa isipan ko. Manghuhula kaya siya? “Nagtataka lang ako dahil ilang araw nang hindi pumapasok si Jaxson. May sakit kaya siya?” Tanong ko sa kaibigan ko. Siniko ni Kara ang tagiliran ko na nailagan ko naman. Napairap ako sa ginawa niya. Napangisi ang kaibigan ko. “Na-miss mo na siya, no? Grabe ang pagka-miss mo sa lalaking iyon, natutulala ka.” Birong sabi niya. “Grabe ka namang makapag-isip ng masama sa akin. Para nagtaka lang ako, na-miss agad? Hindi ba pwedeng nag-aa

