IMBES na matulog ay mas pinili kong manatili sa terrace. Gano'n ba talaga ang mga lalaki? Napaka-bata ko pa para alamin ang ganoong kasunduan. Kailangan ko na talagang iwasan si Royce. Kahit pa nga sabihing tila mukhang nasanay na ako sa paghalik nito sa akin. Nakakatakot at baka hanap-hanapin ko pa. Kaya habang mas maaga pa ay kailangan ng tapusin. "O, bakit gising ka pa? Nasaan nga pala si Royce?" Napalingon ako kay Rosalie. Ngumiti ako rito. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Mom, hindi pa ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko po si Dad," sagot ko rito na may halong kasinungalingan. "Umalis po si Royce. May pupuntahan daw po." "Gano'n ba? Bakit parang ang lungkot mo?" "Po?!" Bulalas ko. Mukha ba akong malungkot? "Namiss ko po si Dad," sagot ko na lamang dito para kun

