Chapter 2: Busted

1634 Words
Ginawa ko nga ang dapat kong gawin. Pangalawang araw ko na ito na hindi pumasok sa school. Kung ano-anong panenermon na rin ang narinig ko mula kay Ariesa.. Kahit ayoko mang-absent dahil dean’s lister ako, kinakailangan talaga. Hindi ako fan ng pagsisinungaling, pero ginawa ko pa rin. Nag-excuse na lang ako na nagka-LBM. Good thing, hindi naman mahigpit ang professor namin. Nagkukulong lang ako dito sa apartment namin. Halos mabingi na sa sobrang katahimikan. Deactivated ko na rin lahat ng social media accounts dahil sobra na ang flood ng messages. Ang dami nagta-tanong kung bakit galit na galit si Kean. May ilan pang nagbigay ng kung ano-anong death threats. Like, seryoso ba? Hindi pa nila alam ang totoong nangyari, at mabuti na lang. Planado ko na rin ang gagawin ko pagbalik ko sa school. Bumili pa ako ng wig para hindi agad makilala. Pinayuhan pa ako ni Ariesa ng mga bagay na puwede kong gawin para 'wag mahuli. Huminga ako nang malalim habang tumitig sa salamin. g**o-g**o ang buhok ko, mukha akong adik na nalulong sa droga. Ano ba itong nangyayari sa akin? “Is this really the consequence for hoping he’ll notice me?” tanong ko sa sarili ko. Binalikan ko ang lahat ng pangyayari at napasabunot na lang sa buhok ko. Mas ginulo ko pa ito. “You're helpless, Miles. Para kang tanga,” bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa malaking poster sa dingding. Kean. Ang mukha niya nakatingin sa akin, poker face, signature look. Nilapitan ko iyon at tiningnan. Tinabingi ko ang ulo ko habang pinapasingkit ang mga mata ko. “Kasalanan mo ‘to. Kung hindi lang kita mahal, may kalalagyan ka, Kean ko. Ang sungit mo naman! Can you forgive me? I still want to see you,” bulong ko. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa kama. Wala pa rin si Ariesa. Clueless ako sa nangyayari doon, at pakiramdam ko mababaliw na ako. Biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Bumalikwas ako at lumabas ng kwarto para salubungin si Ariesa. Pabagsak siyang naupo sa maliit na sofa. “Ries! Anong balita? Bakit mukha kang hinarass diyan?” tanong ko. Halos manlaki ang mata ko sa g**o ng buhok niya at pagkakalukot ng damit. Seriously, sinong lumapa sa kanya? “Ariesa Natividad! Sabihin mo sa akin ang totoong nangyari! Sinong poncio pilato ang nanlapa sa’yo?” sigaw ko. Nagulantang siya sa lakas ng boses ko. Nang makabawi, binatukan niya ako. “Gaga! Ang OA mo! Tigilan mo nga! ‘Tsaka ikaw din may kasalanan!” singhal niya. “Why me? Ako ba ang nagpa-chukchak?” binatukan na naman niya ako. “‘Yang bibig mo! Hindi ako chinukchak! Muntik na, alam mo ‘yon? Gagong Marcus ‘yon! Corner-in ako? Hindi pa nakuntento, hinarass pa labi ko! First kiss ko iyon pero dinungisan niya. Gago siya!” Napasinghap ako. Hindi makapaniwala. Yes, Marcus Demetricov is a damn playboy. Pero pati ba naman best friend ko? “Enlighten me, Ries. Paano naging dahil sa akin kaya ka niya hinalikan?” tanong ko. Umiwas siya sa tingin ko. “Hinahanap ka nila sa akin. Nang wala silang nakuha sa akin, kinaladkad ako ng gago! Alam mo ba saan niya ako dinala? Sa likod lang ng dean’s office, gagong ‘yon! Nilapa niya ako! ‘Yong pinakainiingatan kong first kiss… kinuha lang niya! Tingnan mo! Dumugo ‘yong ilalim ng labi ko!” Imbes na maawa, natawa ako. “Natutuwa ka pa? Pasalamat ka, Miles, hindi ko sinabing nakatira lang tayo sa iisang apartment,” sabi niya. “Fine. Thank you, Ries. Pero, ‘di ba crush mo ‘yon? Kaya nagagalit ka?” patuksong tanong ko. “Ew! Ex-crush, Miles. Ex! From the moment I found out maraming nakatikim, nawalan na ako ng gana. Ayoko sa lalaking marami nang natikman!” Nagkibit-balikat siya at naupo sa tabi ko. “Sorry, Ries, kung pati ikaw nadadamay. Papasok na ako bukas,” sabi ko. “Dapat lang! Ayaw ko na pini-peste ako ng gagong Marcus na 'yon. Papasok lang muna ako sa kwarto, hahanap ng alcohol para imumog.” Natawa ako. Baliw talaga. Pagdating ng gabi, habang naghahanda kami sa pagtulog, panay pa rin ang reklamo niya. Magkatabi lang kami sa iisang kama. “Ayaw kong bangungutin, Miles. Pakiramdam ko naka-kapit pa rin ang mikrobyo ng gagong ‘yon.” “Itulog mo na lang ‘yan, Ries. Goodnight, I love you.” Kinabukasan, handa na ako. Inayos ang outfit ko, though makikilala pa rin ako ng iba. Iilan lang ang matataguan ko. Kinakabahan ako habang pababa ng jeep. Huminto sa tapat ng Northville. Nauna si Ariesa, sumunod ako. Umikot siya papunta sa likod, gano’n din ang ginawa ko. Wala akong ID, kaya akyat-bakod ang kalalabasan ko. May hagdan na naka-ready, sinenyasan lang ako ni Ariesa. Salamat talaga sa buhay niya dahil sa sakripisyong ginagawa niya, matulungan lang ako ngayon. “Careful, Miles. Come on, I’ll watch you,” sabi niya habang nakasampa na siya sa kabilang side. Huminga ako nang malalim bago umakyat. Muntik pa akong mahulog dahil sa suot na heels pero ligtas pa rin akong nakababa sa kabilang side. Naglakad kami nang dahan-dahan, tumingin pa ako sa malawak na garden sa loob ng Northville. Wala namang tao, good. Ilang minuto rin kami naglakad patungo sa room namin. Inayos ko ang wig habang naglalakad. Nauna si Ariesa para magkaroon ako ng distansya at walang makapansin. Dumaan kami sa hallway at panay paglingon sa akin ng iba. Hindi ko na sila pinansin at tuloy lang sa paglalakad. Pagdating sa room, kaagad kong tinakbo ito. Nagulat ang ilan sa mga kaklase ko. “Andito kana pala, Miles,” ani ni Shawntel. “Obviously,” sagot ko. “Kean’s been searching for days. Ano ba ginawa mo? Done hiding?” patuloy niya. Finlip ko lang ang wig at dumeretso sa upuan. “Shall we call Kean na? He said if you get back here, we need to inform him,” singit ng isa. “Whatever. Go ahead and tell him!” hamon ko. Safe pa rin naman ako dahil malayo ang building nila at may klase na kapag dumating sila. Unti-unti nang dumating ang ibang kaklase namin. Prehong tanong lang din ang ibinabato nila. Mga tsimosa! Huling dumating ang prof. At… oh my God. Kasama si Kean at Marcus! Shit. Deretso lang ang tingin ni Kean sa akin. Pakiramdam ko'y tumagos iyon sa kaluluwa ko. Umirap naman si Ariesa. “Good morning, class. As you can see, these two young men want to sit in my class. Boys, choose your seats,” sabi niya. Gusto ko na lang tumakbo. Save me, Lord! Lumapit siya sa upuan ko, tiningnan ang katabi ko, tumayo. Gano’n din si Marcus sa katabi ni Ariesa. Naririnig ko pa ang pagsinghap ng mga kaklase namin. I am busted. No, kaming dalawa ni Ariesa. Trapped with these two. Bestfriends to bestfriends, huh. Napatalon ako sa kinauupuan nang maupo siya sabay bulong. “Got you. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakbo.” His baritone voice chills me to the bone. Our class started, pero hindi ako makagalaw sa upuan. Pigil ang hininga. Pakiramdam ko, iyon na ang huling araw ko. “Breath, Roque. I won’t harm you… maybe later.” Nakatingin siya sa harap, pero pakiramdam ko sa akin pa rin. Agh! Don’t make me feel like this, Kean. You’re my weakness! Natapos ang klase, inayos ko gamit ko. Akala ko kaya ko nang humarap sa kanya.Mali pala. Hinila niya ako pabalik. “You can’t escape me. Maniningil pa ako,” seryoso. Narinig ko ang pagpitik ni Marcus sa daliri. Natira kaming apat lang. “‘Wag niyo siyang sasaktan!” banta ni Ries. “Oh baby, 'wag kang mag-alala, mag-uusap lang sila,” sagot ni Marcus. “Gago kang m******s! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo!” sigaw ni Ariesa. Hinarap ko si Kean, seryoso. “I-Ibabalik ko ‘yong b-boxer mo,” utal na sabi ko, napapalunok. Tumawa si Marcus. “Sige, bro. Aalis na muna kami. Parusahan mo na.” “Teka! Hindi ko siya iiwan sa isa pang gago, Miles!” sigaw ni Ariesa. Pero huli na. Nahila na siya palabas ni Marcus. Narinig ko ang pag-lock ng pinto. Fuck. Nanginginig na tumayo ako. Lumapit naman siya. Umatras ako pero na-corner niya ako sa pader. “Papaano ka nakapasok sa shower room?” tanong niya. “D-Dumaan sa p-pinto siyempre,” kabado kong sagot. Hindi siya nakikipaglaro. Iniangat niya ang kanyang mga kamay sa pader, dahilan para makulong ako sa mga bisig niya. “T-Totoo naman eh. S-Saan ba dapat dumaan?” “Why did you steal my boxer?” Patay. “K-Kwan… a-ano kasi. G-Gusto kita… at gusto kong mapansin mo ako,” pikit-matang saad ko. Nakita kong kumuyom ang kamao niya. Oh God. Mali ba ‘to? Nag-confess ako? “And you successfully did. Tell me… why that stunt? That’s the only boxer I brought. Wala akong maisuot dahil sa ginawa mo,” pinamulahan niya ako. “E-Edi p-presko para sa’yo,” sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. Marahan pa siyang lumapit, nahigit ko ang hininga ko. “Hindi ko iyon mapapalampas.” “Ibabalik ko na nga eh.” “Hindi ‘yon ang gusto ko.” “H-Ha?” “Isang kalapastangan iyon sa akin. At gusto kitang parusahan. Wala pang nakakagawa noon. Ikaw lang.” Unti-unti niyang inilapit lalomukha niya sa akin. Ano bang parusa niya? Hahalikan niya ako? Napapikit ako sa ideyang iyon. Ilang segundo… pero wala pa ring halik. Mainit ang hininga niya. Nakatingin siya sa akin, seryoso. “I don’t kiss girls who do horrible things to me,” aniya. “O-Okay.” “Hindi mo ba tatanungin kung anong ginagawa ko?” tanong niya. Natigilan ako. “A-Ano?” Mas lumapit siya, sabay bulong: “Hinuhubaran ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD