Chapter 4: His Girl

2570 Words
Kagaya ng sinabi niya sa akin ay hinintay nga niya ako. Papalabas na kami ng classroom ni Ariesa nang madatnan namin silang dalawa ni Marcus na nakasandal sa dingding. Deretso ang titig niya sa akin na talaga namang nakakatunaw. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Nagbulong-bulungan naman ang mga kaklase namin at ang iba ay napapasinghap pa at nagtataka. Sino ba namang hindi? Lalo pang lumakas ang mga boses nila nang hawakan ako ni Kean sa kamay ko. “What the hell was happening here?” “Sila ba?” “Paano nangyari 'yon?” “Oo nga, galit si Kean sa kanya hindi ba?” Iyan lang ang mga tanong na naririnig ko mula sa kanila. Gusto ko na lang silang irapan lahat. Tila wala namang pakealam si Kean sa kanila. “K-Kanina pa kayo rito?” tanong ko. “Katatapos lang ng klase namin. So, shall we?” “Hmm,” ani ko sabay tango. Nahagip naman ng mata ko sina Ariesa at Marcus at badtrip na naman ang kaibigan ko sa kanya. “Saan tayo pupunta?” “Mall,” simpleng saad niya. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. “Anong gagawin natin doon?” muling tanong ko. “Quit asking question please. We need to hurry up. Baka mahuli pa tayo sa party,” kaswal na sabi niya. Napahinto naman ako na siyang ipinagtaka niya. ”Party?” “Another question,” tila nauubusan ng pasensiya na sabi niya. Napakagat-labi ako. Alangan namang sumama na lang ako gayong hindi ko alam kung saan pupunta. Maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon. “You're leaving me clueless, Kean. Just answer my question first,” giit ko. “Tsk. Birthday ngayon ni Finnler, frat leader namin. I need to bring you there dahil may kailangan akong dispatsahin,” deretsang saad niya. Napabitiw naman ako sa kanya. May kailangan siyang dispatsahin? Bago pa ako makahuma ay napapailing na pinaliwanag niya kaagad kung ano iyon. “Don’t give me that look. There’s this group of bitches who keep bothering me. I just want to get rid of them.” Nakakarindi na sila. That’s why I need to bring you there. Kapag nakita nilang may kasama ako, I’m sure tatantanan na nila ako.” “Sana sinabi mo kaagad. Don’t worry, ako na ang bahala sa kanila,” ani ko. “Good. P’wede na tayong umalis?” Natawa naman ako. I know he’s too impatient. That’s my Kean's attitude anyway. Dumeretso kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Pinatunog niya ang susi na hawak niya at kaagad akong pinagbuksan ng pinto. I just smiled silently. Hindi na lingid sa kaalaman kong mayaman siya. His car was screaming obviously how rich he was. It was a Bugatti Veyron sports car! Hindi man ako maalam masyado sa mga sasakyan pero, alam kong milyon ang halaga nito. Not just a peso but dollars bruh! Minsan paiba-iba rin ang mga ito. Meron din siyang big bike kung hindi ako nagkakamali. “Seatbelt please,” untag niya. Sinunod ko naman siya at kaagad na ikinabit ang seatbelt ko. Hindi na siya nagsalita pa at kaagad na pinaandar iyon. Halos mapatili ako nang pinaharurot niya kaagad iyon. “Dahan-dahan naman!” sigaw ko. I heard him laugh. “I’m thinking about it a different way, babe.” Halos pangilabutan ako sa sinabi niya. Pinamulahan na rin ako dahil doon. Gosh! Ang akala ko ay alam ko na talaga ang lahat tungkol sa kanya. But, I guess I was wrong. Isang araw pa nga lang kaming magkasama, may isang konklusiyon na rin akong nabuo. He’s indeed a p*****t! Dahil sa bilis nang pagpapatakbo niya na animo'y nakikipag-karera ay mabilis din kaming nakarating sa mall na tinutukoy niya. Sunod lang ako nang sunod sa kanya. Nahuhuli na rin ako dahil sa mabilis niyang paghakbang. Nang mahalata niya sigurong halos tumakbo na ako ay kaagad niya akong binalikan at hinawakan ang kamay ko. Kinaladkad niya ako papasok sa isang botique ng mga damit. Nariyan na naman ang pamilyar na paghaharumentado ng puso ko. Wala sa sariling napangiti ako. Sinalubong naman kami ng isang staff na kaagad niyang inutusan. ”Sukatan niyo siya ng maganda. I don’t want a sexy outfit. Just a simple one that would fit and make her comfortable.” Mabilis akong hinila ng isang babae at dinala sa kung saan. Nilingon ko pa si Kean pero, tinanguan niya lang ako at tinuro ang mens wear. Hindi naman ako nag-protesta pa at hinayaan na ang mga mag-aasikaso sa akin. Basta na lang na may hinablot si ateng na isang dress at pinapasok ako sa isang dressing room. Iniabot nito sa akin ang damit. Iminuwestra niya rin na sukatin ko iyon kaya tumalima ako. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang brand nito, lalo na ang uri at design. It was a lace-trimmed satin black dress. Holy cow! How can I wear an expensive dress like this? Mamumulubi ako rito. Sinukat ko na lang iyon kahit na nalulula ako. Nang matapos ay kinatok na ako para palabasin. Nahihiyang lumabas naman ako habang hinihila pababa ang laylayan nito. Paano ba naman kasi ay napaka-ikli niyon. Sinipat lang ako ni ateng. Umiling ako dahil medyo hindi ako komportable doon. Inabot naman niya sa akin ang panibagong damit. Bumalik naman ako sa loob para muling isukat iyon. Mas maganda ito kumpara sa nauna na masydong revealing. It was an black cocktail dress. Bakit yata puro itim ang pinapasukat nila sa akin? Hinawi ko ang mahabang buhok ko pagkatapos ay lumabas na. Nag-ok sign ako kaya tinanguan niya ako. Butas din ang bulsa ko sa presyo nito na halos allowance ko na ngayong buwan. Bigla na lang din sumulpot si Kean sa harapan ko. He's wearing a sky-blue fitted skirt. Sobrang hot niya sa paningin ko at ang sarap papakin! Pareho kaming sinisipat ang isa't-isa. Kapagkuwan ay tinanguan niya sina ateng at hinila ako. “T-Teka, hindi pa ako nakakapagbayad,” angal ko. “I already paid it so, don’t worry. Bilisan na natin.” Kumalma ako pagkasabi niya niyon. But the thought of him paying this dress bothered me. Napasimangot na lang ako. Kaagad kaming naka-balik sa sasakyan niya. Kagaya kanina ay mabilis niya ring minaneho iyon kaya, napapadasal na lang ako ng lihim. He stopped the car when we finally arrived. It was an exclusive bar near the downtown area. “Can you fix yourself first? Do you have your girly stuff?” he asked. “Yep. Sandali lang.” Kaagad kong hinalungkat ang kikay kit ko sa bag. Nilabas ko ang foundation at lipstick mula rito. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. I put a lipstick first, pero nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. “I think I should leave a little trace first… just to say you’re mine.” Nagtaka ako sa sinabi niya, pero hinila niya lang ako papalapit. And for the second time, he kissed me. Soft, deliberate, claiming. Napapikit ako habang tinutugon ko iyon. Napaungol pa ako nang kagatin niya ang labi ko. Nalasahan ko ang kaunting dugo, pero hindi siya tumigil. When he finally let go of my lips, he only smiled then grinned. “Better. Hurry up, please.” Hindi ako nakapag-react kaagad. Napa-pisik nalang ako nang pitikin niya ako sa noo ko. ”Stop drooling at me, babe. Baka mamaya, hindi na tayo makalabas dito.” Tumango ako. Lihim namang nagdidiwang ang puso ko. Kung ganito siya lagi, mas lalo akong mahuhulog sa kanya. Ngunit, alam ko pa rin ang limitasyon ko. Kailangan ko munang protektahan ang puso ko, laban sa kanya hangga't hindi mutual ang feelings namin sa isa't isa. Minadali ko naman ang pag-aayos sa itsura ko. Nang makuntento ay sumulyap na ako sa kanya. He’s looking at me now—no, more like studying my face. “Stop fantasizing about me, Kean. Baka mamaya ma-inlove ka na sa’kin niyan,” I shot back. “Asa.” Just one word. Three letters. But it still stung… more than it should. C’mon, Miles. Don’t show too much emotion. Keep it together! “Baba na tayo,” ani ko. Nagkibit-balikat siya at nauna nang bumaba. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Kaagad niyang ipinulupot ang mga kamay niya sa beywang ko. And before we even walked inside, I froze when he suddenly leaned in and whispered, “I forgot to tell you… you’re beautiful. And I dare you to make a move, babe.” Hindi naman ako nakahuma roon. Unti-unti ko na lang na pinroseso iyon. What does he mean? Hindi ko na siya natanong pa pagkat nagpatuloy na kami. Sumalubong din ang malakas na ingay sa amin na pumailanlang sa kabuuan ng bar. Hindi naman ito ang unang beses kong makapasok sa ganitong lugar. Siguro nasa dalawa o tatlong beses lang ako nakapunta sa katulad nito. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Nagsusumiksik naman ako sa kanya dahil na rin sa dami ng tao. Isang lalaki ang sumalubong sa amin. Kaedaran lang namin ito at mukhang schoolmate din namin. May ibinulong siya kay Kean at tumango naman ito. Gumiya kami papasok sa isang room. Nang nasa loob na ay halos mapaatras ako. Animo'y nasa teritoryo kasi ako ng mga delingkwente. Ibat-ibang amoy din ang sumalubong sa amin kagaya ng amoy ng sigarilyo, alak at beer. Gracious! “I-Is this place safe?” hindi mapigilang tanong ko sa kanya. “Don’t worry. As long as you’re with me, nothing’s going to happen to you. Just stay by my side.” Aaminin ko, gumaan ang loob ko sa sinabi niya. May kung anong comforting sa boses niya, kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumunta kami sa puwesto ng iba pa niyang kaibigan. Natuon naman kaagad sa amin ang atensiyon nila. Masasama naman ang tinging ipinukol sa akin ng ilang kababaihan. “Yo, bro! Good thing that you’re finally here!” Si Finnler iyon kung hindi ako nagkakamali. Nakipag-fist bump lang siya kay Kean sabay pasada ng tingin sa akin. ““Who’s with you?” “Back off, Finn. She’s mine,” Kean replied jokingly, though there was a hint of warning in his tone. Finnler just raised his hands, laughing. “Obviously, bro. I was just asking for her name.” “Wait, she’s the girl you’ve been looking for, right?” tanong ng isa pa. “Oh—so she’s the girl he’s been hunting?” singit ng isa. “We’re not here to answer your damn questions, bros. Leave her alone. She’s my girl. Simple.” Napa-"oh" na lamang ang mga ito habang natatawa pa. Nanatili akong tahimik sa tabi ni Kean. Ang fc ko naman siguro kung makikisali pa ako sa kanila. Kaya, no thanks na lang. It’s better to be in silent, ika nga nila. Hinila lang ako paupo ni Kean sa mahabang sofa sabay dampot ng isang bote ng beer. “Iinom ka? 'Di ba, magda-drive ka pa?” tanong ko sa kanya. “Yeah. Don’t worry, hindi ako mabilis malasing. Ikaw, do you want to drink something? Huwag lang kagaya nito, siyempre,” aniya habang itinaas pa ang hawak niya. “Hmm, just a cocktail, please,” sagot ko. Itinaas niya lang ang kamay niya sabay lapit ng kung sino. Sinabi niya rito ang kailangan ko na kaagad naman nitong sumunod. Nang bumalik ay may dala-dala na siyang cocktail drink. Hindi man ako komportable ay pinilit ko na lang na makiayon. ”Focus on me, babe. Just only me,” seryosong saad niya. “Tinitingnan ko lang kung may kakilala ako. Hindi ba pupunta si Marcus dito? Magkasama sila ni Aries eh, baka kako dinala rin siya rito ng kaibigan mo,” ani ko. “I don’t see any signs of Marcus here. Kung nandito man siya, malamang pinag-uumpukan na siya ng mga babae. Siguro, may ginagawa silang iba ng kaibigan mo,” aniya. “Hey! Hindi gano'n si Ariesa 'no! Swear, 'pag may nangyari sa kaibigan ko, may kalalagyan 'yang Marcus na 'yan!” bulyaw ko sa kanya. “Just tell him that, kapag nagkita na kayo.” Napasimangot ako sabay inom ng drinks ko. “s**t. May masasapak yata ako nito nang wala sa oras,” rinig kong usal niya. “B-Bakit?” “Kanina pa tingin nang tingin ang mga gagong 'yon sa 'yo. Can’t they see that you’re already off limits?” inis na tanong niya. Napatingin naman ako sa mga lalaking tinutukoy niya. Nasa stool bar sila habang nagtatawanan ngunit, nasa akin ang kanilang paningin. Bigla ay kinilabutan ako. “Don’t mind them. You have me already. No one can stole me from you,” pagpapakalma ko sa kanya. “Mabuti nang nagkakalinawan,” he calmly said. Maya-maya pa, isang grupo ng mga babae ang biglang sumulpot. They all looked sophisticated in their dresses. Some of them showing way too much skin, flaunting their cleavages. Napahiya tuloy ako sa hindi naman kalakihan kong hinaharap. “Hi, Kean!” “My gosh, we’ve been looking for you everywhere!” tili ng isa. “We all know you can’t say no to us.” “We missed you.” Halos maningkit ang mga mata ko sa pinagsasabi nila. Haler? Hindi ba nila ako nakikita sa harap nila? Ano tingin nila sa’kin, invisible? Sila na ba ’yong tinutukoy niya? Mga higad nga. “Sorry to disappoint you, girls, but as you can see, I have someone beside me,” Kean said. Napawi ang mga ngiti nila. Sabay-sabay pa nila akong tiningnan at tinaasan ng kilay. “And who’s this b***h?” “New prospect?” “A GRO?” “Cheap.” Swear. After hearing all that, gusto ko talagang ibuhos sa kanila ’yong iniinom ko. Bitches, please. “Call her names again and I’ll cut your sharp tongues.” Si Kean ang nagsalita. “Hindi sinabi ni Kean sa’kin na maraming nagsasalitang hayop dito,” sarkastiko kong sagot. “Talking monkey, talking snake, talking lizard… and lastly, talking frog. What a great evolution.” Believe it or not, halos umusok ang ilong nila. Hindi rin naman ako papatalo kung laitan lang ang labanan. I have an entire dictionary ready for them. “She has a sharp tongue, so you need to cut hers too,” sabat ni Talking Snake. “This girl has no class. Saan mo napulot ’to, Kean? Sa bangketa?” tawa ng Talking Lizard, sabay tawa ng buong tropa niya. “I have no class, but at least I’m well-mannered,” sagot ko agad. “Having manners is better than having an idiotic kind of class. Kaya siguro puro class ang ipinagmamalaki niyo, kasi wala kayong manners.” Narinig ko si Kean na tumawa. Mukhang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. “Okay, enough,” sabi niya. “I want you girls to stop bothering me. And as my girl told you, it’s better if you have manners at least. You messed with the wrong girl. Don’t bother me again. Back off.” Hindi pa rin sila natinag, so hinila ko bigla ang kuwelyo ni Kean at hinalikan ko siya mismo sa harap nila. Kean didn’t even flinch. In fact, he pulled me closer and kissed me back. Wala akong narinig mula sa kanila. Nang mag-angat kami ng tingin, naglaho na lang sila sa harap namin. Victory. Kean smiled at me, amusement all over his face. “That’s my girl.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD