Lord can you please give us licenses to court our crushes!?? Malungkot ako sa nalaman ko pero may mas dapat pa akong unahain kaysa mag-emote. Mamaya na lang ako mag-iiyak kapag nasa bahay na ako. Sigurado akong magkakaroon na naman ng Flashflood sa bahay dahil sa dami ng iiiyak kong luha. Huhu. Agad kong inaayos ang mga gamit ko pagkatapos tumakbo na ako palabas para habulin si Shara. Sana maabutan ko siya. "Shara!" malakas na tawag ko sa kanya. Kunot noong lumingon naman siya sa kinaroroonan ko. Nagulat ako sa sumunod na nangyari. May nakita akong bagay na nahulog mula sa itaas. Pintura ata kasi color blue. Tumilapon ito sa ulo ni Shara kaya mukha na siyang si Stitch dahil sa color blue na pintura. Tumakbo ako agad sa kinaroroonan niya para tulungan siya. Tumingala ako sa itaas kung

