Bryle's POV "Brianna Lei Zach Forteza..." ngumiti ako sa kanya. "Nagustuhan mo ba ang ayos ko? Ito ang taong minahal mo kaya gusto kong malaman mo na walang nagbago... katulad ng pagmamahal ko sayo..." Nakasuot ako ng leader black jacket. Nakasando ako ng puti sa loob. Pinaresan ko ito ng ragged maong. Isinuot ko din ang kupas-kupas na rubber shoes ko. Bahagyan kong ginulo ang ayos ng mga buhok ko. Tinalian ko din ang palibot ng ulo ko ng malaking bandana na kulay itim. Parang yong ayos ko lang kagabi. Ganito lagi ang ayos ko noong nasa High School pa lang ako. Kapag nasa labas na ako ng school, nagbabagong anyo na ako. Una kong nakita si Brianna sa tagong eskinita sa Tondo. Doon niya ko nahuling nakikipagsapakan. Hanggang sa kinabukasan nalaman ko na magiging kaklase ko pala siya. Noo

