Lindsy's POV "Halika na." hinawakan ko sa kamay si Zykie. Naglakad kami palapit sa kanila. Natigilan naman silang lahat nang makita nila kami. Tinapatan ko ang mga titig sa akin ni Cheska. Kung nakakamatay lang ang titig ko malamang kanina ko pa siya napatay. "Babe, dito ka umupo sa tabi ko." Alok ni Vince kay Zykie. KELAN PA NAGKAROON NG GIRLFRIEND SI VINCE? AT SI ZYKIE TALAGA? KAYA PALA MAGKASAMA SILA NGAYON. AKALA KO BA ANG BESTFRIEND NI CHESKA ANG GIRLFRIEND NIYA? Nandito din pala si Eunice. Matagal din siyang nawala kaya siguro sila naghiwalay. Ngayon at nagbalik na siya, may iba na si Vince. Ano naman kaya ang pakiramdam niya? Iba kasi ang mga tingin niya kay Zykie at Vince. Mukha siyang nakakain ng sili pero hindi niya masabing maanghang dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin

