Shara's POV Ang lapad ng ngiti ko nang makaakyat ako sa upper deck ng barko. Umakyat ako kanina dahil nawindang ako sa narinig kong kaluskos sa ibaba. Kahit medyo sira-sira na ang mga ibang parte nito, pero yong pakiramdam ko noong unang beses na sumakay ako dito ay ganoon pa rin. Naglakad ako nang dahan-dahan palapit sa pamiyar na upuan dito. Natutuwa ako dahil hindi nasira ang parteng yon. Umupo ako dito saka ko marahang hinaplos ang parte nito kung saan una ko siyang nakita na naka-upo. Sayang kasi wala siyang abilidad na mapagmasdan ang napakagandang tanawin sa harapan namin noon. Siguro ngayon, hindi lang ang mga inilarawan ko sa kanya ang mga nakikita na niya? Kapag nangyari nga yon ako na ang isa sa pinakamasayang tao para sa kanya... Bukod sa upuan na to, meron pa kaming madalas

