Jace's POV Ewan ko ba kung bakit bigla akong nainis kanina nang makita kong magkasama si Lindsy at Luke? Si Lindsy kasi! Akala mo naman isang masarap na putahe si Luke kanina. Parang may umiikot na mga stars sa tuktok ng ulo niya. Pati iyong mga mata niya parang napana ni kupido. Ganoon siya makatingin sa lalaking iyon tapos pagdating sa akin wala lang? Mas gwapo kaya ako kaysa doon! Bulag din pala ang babaeng to. Speaking of her, heto siya ngayon abala sa pagtatanggal ng mga muta niya. Haha- "Kadiri ka bata! Wag ka ngang magtanggal ng mga tae sa mga mata mo dito sa kotse ko!" inirapan ko siya. Napansin kong napadpad sa ilong niya ang muta niya. Natawa tuloy ako. "Anong kadiri ka diyan? Pinakain ko ba sayo para sabihin mo yan?" inirapan din niya ako pabalik. Nginisihan ko lang siya. Ina

