Mamayang 10 a.m pa naman ang klase ni Shara kaya nagpasya siyang tumambay muna sa hagdan malapit sa room nila. Walang masyadong estudyante dahil kasalukuyang nagklaklase ang karamihan. Nag-aabang siya ng mga classmates' niya baka sakaling may magmalasakit na pahiraman siya ng mga notes. Kailangan niya lang talagang humabol. Mabuti na lang, tatlong subjects na lang ang dapat niyang tapusin bago siya grumaduate kaso lahat ay majors. Jazz's POV "Oh Jazz, ikaw pala? Alam mo ba kung nasaan ang Kuya mo?" si Missy. Nasa ilalim ako ng puno. Abala ako sa pakikinig ng music nang bigla siyang sumulpot. "Bakit mo siya hinahanap?" mataray kong tanong. "Ah- wag ka namang magalit diyan... ibibigay ko lang to." May inilabas siya. "Ano naman yan??" "Special Yema." Nagsmile siya sa akin. "Wag kang m

