Lara Mahigit dawalang buwan na ang lihim naming relasyon ni Jarred. Lihim dahil hindi pa namin ito sinasabi sa mga magulang ko at kahit sa anak nya. Ganunpaman ay masaya ang anak nya kapag kasama namin ito sa date. Hindi naman sya nagtatanong kung bakit lagi akong kasama ng daddy nya. Minsan nagbiro pa sya na sana ako na lang ang mommy nya. Ang kwento ni Jarred, baby pa lang ito ay ibinigay na sa kanya ng ex nya at lumipad na paibang bansa kasama ang ibang lalaki. Gusto ni Jarred na ipaalam sa mga magulang ko ang relasyon namin. Ako lang ang pumipigil dahil hindi ko pa kaya at naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon. Tapos na rin ang trabaho ko sa resto bar nya dahil balik eskwela na. "Hayy parang bitin pa ako sa bakasyon." Nakangusong sabi ni Emily habang nakapangalumbaba at nila

