Chapter 27

1630 Words

Lara Inihit pa ako ng ubo dahil sa sinabi ni mama kaya muli akong uminom ng tubig. "Ma, ano bang sinasabi nyo? Hindi no. Masama lang ang pakiramdam ko." Sabi ko. Medyo bumuti naman ang pakiramdam ko matapos maisuka ang lahat ng laman ng sikmura ko. Bumuntong hininga naman si mama. "Pasensya ka na anak, akala ko buntis ka." "Grabe ka naman sakin ma." Ngumuso pa ako. "O sya, umakyat ka na lang muna sa kwarto mo kung masama ang pakiramdam mo. Gagawan na lang kita ng mainit na sabaw para mainitan ang sikmura mo." Tumango naman ako at nagmumog. Binagsak ko ang katawan sa kama. Medyo nanghihina pa rin ang katawan ko. Ngunit gumugulo pa rin sa isipan ko ang sinabi ni mama kanina. Buntis ako? Hindi pa ako magkakaroon hanggang ngayon. Halos three weeks na akong delay. Bigla akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD